"Growing up with Olympic energy!Growing up with Milo!..Milo everyday!"
Kilalang advertising jingle ng isang sikat na produktong inumin, ang Milo. Bata pa lamang ay nadampian na ng tsokolateng matamis na inuming ito ang aking mga labi. Naalala ko pa na sa halip na gatas ang laman ng aking dede (feeding bottle) ay kulay brown ito, kasi nga Milo. At hindi ko rin mapigilan ang papakin ito na parang candy lang.
Nang kalaunan naging mapili ang aking panlasa kung kaya pinaghahalo ko na ang gatas at Milo. Anumang paraan ng pagtimpla malamig o mainit pasok sa panlasa ko. Hindi lamang pangkaraniwang inumin ang Milo na nagmula sa kumpanyang Nestle Philippines. Sa mga patalastas nito, madalas maging tema ang sports at kabataan na siyang target audience ng produkto. At bilang binansagan itong energy drink isa sa mga slogan nito ay "Bring Out The Champion In You!"
Noong nakaraan taon inumaga na akong umuwi kasama ang mga kaibigan mula sa gimikan nang mapansin ko ang mga taong may suot na green official Milo marathon singlet. "Cool!" bulalas ko. Gaganapin din pala sa araw na iyon ang 34th National Millo Marathon. Habang sinusulyapan ang mga kasabay namin sa jeep na kasali sa takbuhan. Sinabi ko sa aking sarili "Next tyear, tsatsali ato dyen!" (baby talk?)
Hindi lamang ordinaryong "fun run" ang Milo marathon. Dahil ang mga nalilikom na salapi mula sa mga registration fees ay mapupunta sa mga batang walang magamit na sapatos. Sampung libo mahigit na pares ng sapatos/rubber shoes ang target ng Milo sa taong ito. Katumbas ng 10,000 pares ng sapatos ay ang katuparan ng mga pangarap at pagpupursiging maabot ito ng10,000 kinabukasan ng bayan.
Sa July 31 gaganapin ang Milo Marathon ngayong taon. Akala ko July 6 ang huling pagpaparehistro para sa nasabing fun run. At dahil hindi nagtugma ang schedule ko hindi ako nakapagparehistro. Laking gulat ko na lamang hapon nitong nagdaang linggo ng hapon habang nanunuod ako ng dvd ng animated film na Rio biglang tumawag si bes.
"Hello teh!"
"Hello bes!Nasaan ka?!"
"Nasa bahay."
"Nakapagregister ka na?"
"Register saan?!"
"Sa Milo keme!"
"Hindi!Eh wala naman akong kasama. Sabi mo may kembot ka sa katapusan!Deadline na kaya ng registration last Wednesday!"
"Tangek!Meron pa nakapagparegister ako kanina!"
"Weeh!!"
"Plangak!!"
"Sa ilang kilometers ka nagregister?May 5k pala bes!100 lang."
"Sa 10k ako nagparegister,wala nang slot sa 5k kaya go ka na!"
"Saan ka nagparegister nga pala?"
"Sa SM San Lazaro."
"Sa Toby's?"
"Taaahmaaah!Kaya go ka na!Kasama ko nagparegister classmate ko nung highschool."
"Kakainis ka!Go!Gora ako!"
"Gooooh!!!"
Matapos ang usapan nagmadali akong nagpunta sa SM San Lazaro. Buti na lang at hindi ito kalayuan mula sa aming lugar. Habang sakay ng dyip nagtext ang bes na huwag kong kalimutan magdala ng pack ng Milo. At wala akong dala. Kaya tinext ko si bes para tumawag ulit.
"Bes ilang grams ang Milo pack na binigay mo?"
"Keri na kahit yung maliit lang."
"Wala namang ID na ipapakita?"
"Witches na!Katawan ko pinakita ko!hahahaha!"
"Oh well!Ok go!Malapit na akiz."
Kaya sumugod muna ako sa grocery upang bumili, dahil kahit ilang grams naman ay tinatanggap binili ko na ang 80g. Matapos ay sumugod agad sa Toby's. Walang ibang nakapila kaya hinarap ko agad ang babae sa registration booth. Binati at nginitian ng ngiting pang beauty queen.
"Magpaparegister po."
"Yes sir, ano pong category?"
"May 5k pa ba?"
"Ay!stop na po ang registration sa 5k." (sad face si ate)
"Ah ok sige (baka umiyak ka pa diyan) 10k!"
Inabot ang registration form. Nakita ko sa gilid ang mga pack ng Milo. Lahat ito walang laman. Habang sinusulatan ang registration form tinanong ko kay ate kung pwede na iyong Milo pack na ibibigay ko ay may laman.
"Okay lang sir!"
"Salamat!Timplahin mo na lang muna hehehe." (tambling si ate)
Mabilis ang mga sumunod na nangyari Matapos ko sulatan ang registration form tinanong agad ako ni ate kung ano ang size ko para sa singlet. Ipinakita ni ate sa akin ang small, masyadong maliit. Sumunod ang medium, mas ayos ito hindi gaanong fit tama lang. At kasunod na ring ibinigay ang racing kit. Nagtataka naman ako at hindi na kinuha ni ate ang Milo pack ko. Tinanong ko kung kukunin pa, hindi na raw. Nahiya na siguro. Agad akong nagpasalamat at umuwi na. Pauwi ipinaalam kay bes na tapos na akong magparegister.
"Bes!I'm done!" nagreply siya at tinanong kung nagbigay ba ako ng Milo pack.
"Hindi na ako kinuhaan!Dinaan ko sa ganda!hahaha!"
"Puki mo!"
Kaya sa nalalapit na 35th National Milo Marathon kabahagi na ako. Isa sa mga wishlist ko this year ay maisasakatuparan. Excited ako sobra. Pag-uwing pagka uwi sinukat ko agad ang singlet. Pasok sa banga! Maayos at maaliwalas akong makakakilos.
Hindi biro ang sampung kilometro lalo na sa first timer na kagaya ko. Pero hindi naman for competition talaga ang goal namin sa pagsaling ito. "Fun Run" nga lang talaga, experience at exercise na din. Ang pinakamahalaga naman talaga ay ang makatulong kahit sa simpleng paraan. Siguro kung may isang tao na maghihintay sa akin sa finish line, bakit hindi! LOL honglondi lang ;) Sabi nga sa nakasulat sa likod ng singlet.
At kung maykagayon nga at may nag aantay sa akin sa finish line naku!Kakayanin ko talaga!Buwis buhay at tiis ganda na ika nga. :)
Hindi lamang sa larangan ng sports maaring maging 'Champion'. Hangga't may pangarap kang nais makamit. Ano man ito, gaano man kahirap sa tulong ng sipag, tiyaga at pananalig sabayan mo pa ng isang basong Milo tiyak tatanghalin kang champion. (Ako na ang endorser ng Milo!hahaha Hello!Nestle Phils.!One year supply ng mga Nestle products okay na ako.hahaha Okay lang din sa akin kung irerenew ang contract!lols!)
Masasabi kong hindi ganoon kadami ang sapatos ko. Subalit kahit papaano mayroon akong naisusuot at kung masira man ito may nakalaang kapalit. Kaya ang bawat hakbang at pawis na tatagaktak mula sa akin ay hindi lamang makapagpapabawas ng aking timbang, bagkus para ito sa isang batang may pangarap, isang batang nais ng magandang hinaharap
Kaya Fun!Fun!Fun!Let's Run! :)