Showing posts with label filmthoughts. Show all posts
Showing posts with label filmthoughts. Show all posts

Tinig sa Pinilakang Tabing: Across The Universe



Goddammit, Max! Get serious, for once! What are you going to do with your life?



Why is it always what will I do? "What will he do", "What will he do", "Oh, my God what will he do", do, do, do, do, do, Why isn't the issue here who I am?



Because, Maxwell what you do defines who you are.



No, Uncle Teddy. Who you are defines what you do. Right Jude?



Well, surely its not what you do, but the, uh...the way that you do it.






ACROSS THE UNIVERSE
Pelikula ni Julie Taymor

Tinig sa Pinilakang Tabing: Ploning



Kung nagmamahal ka, at hindi mo naman kasama araw-araw at hindi mo rin sigurado kung babalikan ka. Anong tawag doon?


Nagmamahal, kasi ang nagmamahal nagtitiwala.


Kahit nasasaktan ka na?


Ako, naniniwala na ang nagmamahal ay nasasaktan. Pag' hindi ka na nasasaktan, aba'y matakot ka. Baka hindi ka na nagmamahal.


Basta ako, hindi na ako papayag na masaktan muli dahil lang nagmahal ako.


E di para mo na ring sinabing hindi mo na papayagan ang sarili mong magmahal muli.




PLONING
Pelikula ni Dante Nico Garcia

Flick List: Walang Wala: "Ang Babae sa Septic Tank"



 Sabado isang araw bago tuluyang magwakas ang Cinemalaya Film Festival para sa taong ito. Muli akong bumalik sa CCP bitbit ang mga tickets para sa dalawang pelikula na aking panunuorin ng araw na iyon.

 Maaga ng halos isang oras sa takdang screening ng unang pelikulang aking panunuorin ng dunating ako sa nasabing lugar. Ganoon pa rin, madaming tao at karamihan nga ay mga estudyante. Pagpasok sa unang palapag ng tanghalan ng kung anong enerhiya ang humatak sa akin patungo sa ticket booth.

"Teka!May ticket na ako eh!"

 At ng unti-unti akong papalapit sa ticket booth, napako ang aking tingin sa piraso ng papel na nakapaskil sa harap nito.

ADDITIONAL SCREENING
Ang Babae sa Septic Tank
Tanghalang Nicanor Abelardo
July 23,2011 12:45 PM

 Huminto ang paligid, tumahimik ang kapaligiran, tanging maririnig lamang ang kabog ng aking dibdib at ng lumaon ay isang hingang malalim. Tumama ang aking tingin sa mahabang pila sa ticket booth. Hindi ako dito pipila. Nagmamadaling umakyat sa  ikalawang palapag at nang masilip ang isang ticket booth doon na walang pila. "Thank God!" Hinihingal pa nang magtanong sa takilyera kung may ticket pa para sa nabanggit na additional screening.

"Meron pa!" bulalas niya habang nakatingin sa monitor ng PC at hawak ng kanang kamay ang mouse.

"Oh yes!!"    

"Ilan?"

"Isa po,estudyante!" patay wala pala akong dalang I.D. at hindi naman na ako talagang estudyante. Dahil ito sa kakuriputan ko.

 Tinitigan ko ang takilyera habang inihahanda ang ticket ko. Hinihintay kung hahanapan nya ako ng I.D. Hanggang sa iabot na niya ang ticket ko. Inabot ko ang 100 at agad naman akong sinuklian. Isang malayang bugtong hininga ang aking pinakawalan.

 At sa wakas nakatayo na ako sa isang napakahabang pila ng mga nais pang humabol at mapanood ang pelikula. Balewala na ang unang ticket na nabili ko para sa isa pang pelikula na sabay ng screening ng septic tank.

 "A movie within a movie." ganyan inilarawan ni Chris Martinez ang pelikulang kanyang isinulat. At ganoon nga ang aking naranasan sa simula pa lamang ng pelikula. Ayon nga sa synopsis ng pelikula. "Ang Babae sa Septic Tank" chronicles a day in the life of three ambitious, passionate but misguided film makers as they set out to make their dream movie."

 Ipinakita ng pelikula ang mga bagay na nagbibigay inspirasyon sa mga indie filmakers sa paggawa ng pelikula at kung ano ang kanilang mga ginagawa upang mapansin ang kanilang mga likha. Sa katulad kong aspiring film maker, kakaibang motivation at inspirasyon ang hatid ng pelikulang ito para sa akin.

 Hagalpakang walang patumangga ang dumagundong sa apat na sulok ng CCP main theater. May ilang bahagi sa pelikula kung saan gusto kong sawayin ang audience dahil tawa ng tawa sa napapanood nila sa screen. Eh ang ganda ng dialogue na binibitawan ng karakter!Hindi ko maintindihan mabuti! Irita lang! :)

  Pero nawawala ang inis ko pag si JM de Guzman na ang nasa screen. :) Si Kian Cipriano naman  parang nakikita ko lang ang sarili ko sa kanya sa karakter niya dito bilang direktor. At ang suki na sa mga pelikula ni Chris Martinez at Marlon Rivera na si Cai Cortez na gumanap bilang Production Manager. At dahil dream movie nga ito, dapat bigatin din ang cast,kaya ito ay walang iba kung di si Ms. Eugene Domingo. Comedy as its finest ang ipinakitang performance ni Uge dito, at hindi lang galing pagpapatawa ang ipinamalas niya dito maging ang husay niya bilang aktres.

  Hindi na ako masyadong magbibigay ng detalye patungkol sa pelikula. Para magkaroon naman ng thrill sa mga nais mapanood ito pag pinalabas na sa mga sinehan sa August 3,2011.

 "Walang Wala" ang title ng dream movie sa pelikulang ito. Sumagi sa isip ko na ang pelikulang ito ay tunay sumasalamin sa lipunang ating ginagalawan.

 Nananatiling kabilang ang Pilipinas sa hanay ng third world country sa timog silangang asya. Ibig sabihin malaki ang bilang ng mga tao na namumuhay na walang wala. Isang kahig, isang tuka. Kinakain ng kumukulong tiyan ang mismong bituka at kung minsan didighay subalit isang paa ang nasa hukay. Pero comedy ang pangkalahatang genre ng pelikula.

 Nangangahulugan lamang ito marahil na sa mga panahon na ang pangkaraniwang Pilipino ay walang wala, hindi nito nalilimutang ngumiti, isantabi panandalian ang dagok na pinapasan at tignan ang buhay sa positibong pananaw.

Shorts

 Hindi kumpleto ang aking Cinemalaya experience every year kung hindi ko mapapanood ang mga entries sa Short Film Category. Nagkakaubusan man ang ticket sa ilang Full Length Film mapalad ako at nakakuha pa rin ako ng ticket para sa screening ng Shorts.

 Narito ang ten finalist for this years Short Film Category.

DEBUT
EVERY OTHER TIME
OLIVER'S APARTMENT
HANAPBUHAY
HAZARD
SAMARITO
IMMANUEL
UN DIU T A Y MUNDO
NINO BONITO
WALANG KATAPUSANG KWARTO




Tinig sa Pinilakang Tabing: Bright Star





I still don't know how to work with poems.

A poem needs understanding through the senses. The point of dividing into a lake is not immediately to swim to the shore but to be in the lake, to luxuriate in the sensation of water. You do not work the lake out, it is an experience beyond thought. Poetry soothes and emboldens the soul to accept the mystery.



I had such a dream last night. I was floating above the trees with my lips connected to those of a beautiful figure for what seems like an age. Flowery treetops sprung up beneath us and we rested on them with the lightness of a cloud.

Who was the figure?

I must have had my eyes closed because I can't remember.

And yet you remember the treetops.

Not so well as I remember the lips.

Whose lips? Were they my lips?


BRIGHT STAR
Pelikula ni Jane Campion

Tinig sa Pinilakang Tabing: Bangkok Traffic Love Story



What if you have a boyfriend, but he is not available to eat with you? He doesn't have time to go anywhere with you? Then what is the use in having a boyfriend?

People don't have boyfriends and girlfriends to be together all the time. They have them, to know that there's still someone who loves them.

BANGKOK TRAFFIC LOVE STORY
Pelikula ni Adisorn Tresirikasem

Tinig sa Pinilakang Tabing: Muli





Bakit kasi tayo naghahanap ng kapareha? Dahil ba ayaw natin mag-isa? Para may mag-alaga sa atin?

Hindi...

Naghahanap tayo ng kapareha para mahalin natin, para hindi natin maramdaman yung lungkot..


MULI
pelikula ni Adolf Alix Jr.