Grey Matter Droplets: Mga Ganap ng Setyembre

 Kung gaano kadami ang ganap,doon naman ako inatake ng katamarang magsulat. At sisihin na din ang pag-block sa google mail sa opisina. Kung kaya't hindi rin makapag-blog kung may bakanteng oras.

****

 Muling namayagpag ang Pilipinas sa larangan ng pagandahan noong nakaraang buwan ng mapasama muli sa Top5 ang ating kandidata sa Miss Universe. Hindi man nito nakamit ang mailap pa ring korona hindi na rin masama ang 3rd Runner-up at hindi nya binigo ang kanyang mga taga-hanga sa kanyang tsunami performance.

 Kapag may ganitong 'pageant' lagi kong naalala ang karanasan ko noong sumasali ako sa ganitong timpalak noong elementary at high school. Lilinawin lang po, sa Mister category ako kasali at hindi sa Miss. Sayang nga lang at hindi pa uso noon ang digital camera kung kaya't walang naitabing larawan. Ang certificate at sash na lamang ang naiwang ala-ala.


Elementary nang isinila ako ng teacher ko sa MSEP sa Search for Mr. Y-Associates ng YWCA.



High School naman ng biglaang ako ang isinalang  sa  Search  for Mr. Valentine ng YMCA .
****

 Pangalawang beses ko noong isang buwan na magpunta ng Wensha,isang kilala spa and wellness center. Kasama ang aking mga beschums. Sa may Roxas,Boulevard kami nagpupunta bilang ito ang malapit sa aming lugar.

 Maituturing na lugar 'awrahan' ang wensha. Sa dami ko na nabasa at narinig na kwento tungkol sa kanilang karanasan sa pagpunta sa lugar na ito, aba ngayon may kwento na din ako. Nakakahiya pa nga noong una dahil hindi naman kagandahan ang katawan ko para ibuyangyang. Keber na!

 Nagsimula sa isang middle 30's na guy na kung ibabatay ko ang description sa napapanood ko sa porn eh isa siyang teddy bear ganyan. Tamang tanong siya,tamang sagot din naman ako. Hanggang sa unti-unti nang gumagapang ang mga daliri nya sa tuwalyang nakatapis sa akin. Hanggang sa nitong nakaraan buwan nga lamang isang twink naman. Less talk,actually no talk nga ang bagets pero more show!Nakatingin siya sa akin habang nakaturo din sa akin ang kanyang maselang bahagi.

 Ang mga  ito ay naganap sa sauna room. At hanggang sa 'awrahan' lang nauwi ang lahat. Marahil kasama ko kasi at bes ko at hindi ko sila maaring iwan,try ko next time na ako lang mag-isa. Tignan natin kung lalabas din akong mag-isa.

****

 Napadalas ang panunuod ko ng pelikula sa sinehan noong nakaraang buwan. Madalas kasi na hinahantay ko ang paglabas ng pelikula sa dvd. Malaking tulong ang ginawang raid sa tindahan ng piratang dvd sa Quiapo at nasabi kong tinagkilik ko ang pelikulang Pilipino. Mula sa Zombadings, My Neighbors Wife at No Other Woman na sa malaking telon ko napanood.

 Ano kaya kung isang sumpa ang kabadingan,nanaisin mo bang kumawala sa sumpang ito?Kapag sinabi ko kaya sa tatay ko na bakla ako,nanaisin kaya niyang siya na lamang ang maging bakla at hindi ako?Iyan ang mga sumagi sa isip ko ng mapanood ko ang Zombadings. Nagulumihan naman ang isip ko sa ending ng My Neighbors Wife,maganda ang materyal hindi nga lang ganoon katindi ang execution sa kabuuan ng film. Nakakaantig yan ang masasabi ko sa No Other Woman. Pero para sa akin, nananatiling una sa listahan ko si Popoy at Basha.