nagsimula ng kumapit sayo ang aking tingin
hindi na ako bumitiw haplos ka ng mariin
pinigil ang hininga
puso'y nagwawala na
abot-kamay man kita
tanaw ko'y malayo ka
hanggang tingin na lang ba itong aking pagsinta
tatangayin na lang ba hangin at ililibing ng buhay
isang araw na tila ito na ay ang huli
dinaan ko sa titik ang hindi ko masambit
gamit ang aking plumang putol putol pa ang tinta
sandigan ay ang papel na lukut lukot pa
dito'y dumaloy ang damdaming pinakaiingatan
hindi na kaya pang ilihim
puso'y di na papipigil
wala ng ibang inisip kundi ikaw na tinatangi
bukas palad tatangapin wala naman akong hiling
sapat na ang iyong prisensya'y lakas na para sa akin
ginugupo man ng sakit ang nanganganib kong buhay
pagsuko ay binago ng wagas na pagmamahal
bilang ko na sa daliri ang tibok ng aking puso
ngunit bawat pintig nito ay inihahandog sayo
pipilitin kong habulin ang aking hininga
hanggang sa ipikit ko na ang aking mga mata
dadalhin kita sa puso ko kasama sa paglalakbay
sa muli nating pagkikita doon sa walang hanggan
(Nag-ayos ng gamit ang kapatid ko at iniabot niya sa akin ang isang photocopy ng ginawa kong rap/tula na ginamit nila sa isang pakontest noong high school sila para sa buwan ng wika. Kaya naisipan kong ibahagi sa aking blog. Makabagong harana ang tema na ginawa kong tragic, maiba lang. Nalimutan ko na at maging ng aking kapatid kung nanalo ba sila sa pakontest na iyon. Pero iyong sinali sa section nila para sa Lakan keme na ako ang nag train eh pasok kahit runner-up hehehe :) ako na ang kontesero din dati. hehehe )
Meaning ng walang hanggan, sa kabilang buhay?
ReplyDeleteteh ang lalim.. nagbabalik sa aking alaala ang talentong aking natuklasan noong ako'y hayskul pa,.
ReplyDeletesalamat sa kaibigan kong tinangay ang malaki kong notebook ng mga tula, pati aking talento naglaho na parang bula. hehehe!!
ganda! ganda-ganda mo!ipagpatuloy mo lang to! heheh! :-)
neseblødning. RonRon faints.
ReplyDeleteinlababoo?
ReplyDelete@joe: ganoon na nga,love till eternity ang drama :)
ReplyDelete@teh: teh!ang pseudonym wag kalimutan sa susunod ha!sige nest time gagawan kita ng tula tulaan hehehe :) pero mas bet ko ang monologue para sayo! ;)
@ronron: ay!medics please! :) hehehe
@shenanigans: inlababoo? sa aking palagay mas naaayon ang salitang inspiradoo :) hehehe ;)