Renascence



Mabuti na lang at sa panahong ito ako
Ipinanganak na bading.

Hindi ko kailangang tumili o tumalak 
Para marinig ang aking voice.

Hindi ko kailangang magdamit babae
Kung hindi ko carry,
O umastang machong lalaki
Kung feel kong magpa-girl.
Sa bahay man o sa opisina.

Hindi ko kailangang magpahaba ng hair
O manggupit ng hair para mabuhay.

Hindi ko kailangang magpakasal 
Sa mujer na hindi ko mahal
Para maging respectable ako sa madla.

Hindi ko kailangang ipilit ang sarili
Sa straight na mhin na ayaw sa akin.

Hindi ko kailangang magpa-cut ng notes
O magpadagdag ng boobs
Para makumpleto ang aking pagkatao.

Hindi ko kailang i-forget
Na isa akong tao
Bago isang bading.

BAGO ANG BADING
(Pasintabi kay Rebecca T. Anonuevo)
Mula sa Ladlad 3

5 comments:

  1. Isang dekada lang ang nakakaraan, kailangan mong mag-imbento ng mga salita upang pagtakpan ang iyong tunay na pagkatao.

    ReplyDelete
  2. nice poem.... :) bago nga ang bading ngayun... :)

    ReplyDelete
  3. ay. betchina ko itez. :) ang masasabi ko lang: taaaaaaamaaaaaaaa!

    ReplyDelete
  4. @Mugen: mariin ang aking pagsang-ayon sa iyong tinuran sir :)

    @egG.: salamat :)

    @the green breaker: apir! :) plangak! hehehe ;)

    ReplyDelete
  5. Mister Universe Flagpole Barry Belda

    ReplyDelete