Luha at Alat Tampisaw ng Dagat

Takipsilim ang sumasapin sa langit
Habang ang dalampasigan ay yapos akong pilit
Tinig ng alon ang nagsilbing oyayi
Marahang winawaksi nagdaang pag-ibig


Alimuom ng hangin ang panumbalik diwa
Ng lumipas na siphayo ng katawang lupa
Buhangi'y bulak na nagsilbing papag
Bumalot sa kakisigang mahina't nagparaya


Dumampi sa labi ang alat ng dagat
Na siyang ganting dumaloy ng sing-alat ding luha
Pinatigil yaring bawat hininga,pisi nitong buhay nalalagot na
Nanalig,nagpatirapa sa batuhang matatag sumampalataya


Diwa'y pinaso ng bukang liwayway 
Mutang hatid ng luha,balakid pa sa pagmulat
Pasalamat sa agos at muta'y tinangay 
Kasabay sa hampas ng alon,pumalao't bumaybay
Galit ang mariing sikat ng araw 
Wari'y pinahihiwatig ang bagong pahina
Na sa lawak ng dagat
Aaluni't mapapawi rin ang luha


Tula para sa pakontest ni Iya ang Luha Mo Sa Pakontest Ko

13 comments:

  1. ikaw na! ikaw na ang makata!

    ReplyDelete
  2. good luck sissy! sana palarin ka. :D

    thanks sa message ulit. super duper nice!

    ReplyDelete
  3. nice naman...di ko maarok ang lalinm ng iyong rurok! lol

    salamat sa pakikilahok!

    ReplyDelete
  4. Very nice. Ang gagaling ng mga lumahok sa patumpalak ni iya.. :) Good luck sayo! :)

    ReplyDelete
  5. @^travis: uulitin ko lang!kung maka makata ka naman dyan wagas!hehehe ;)

    @sis nimmy: salamat sissy!:) more inspiring messages to come! ;)

    @ms.iya: kailangan po may rhyme din ang comment?:) hehe choz lng po ;) naku di po malalim yan lumalim lang dahil sa namulaklak na mga salita,subalit ang nararamdaman sa tula at nararamdaman din po ng sinuman sa atin :) salamat po muli! :)

    @ms.leah : thank you po :) mabuhay po tayong lahat! :)
    taong bayan: mabuhay!!!! ehehe ;)

    ReplyDelete
  6. good luck para sa entry mong ito..puwede ba tayo mag exchange link.. add mo ang blog ko sa blog list mo..add din kita..thanks..tell me kung ma add mo na ako..

    ReplyDelete
  7. wow, ang galing ng tulang ito, yung mga words na ginamit mo, malinis at tugma para sa mensahe ng tula. sana manalo sa patimpalak. (ahaha, kung makakoment naman ako parang bihasa.) nice one. I like it, :)

    ReplyDelete
  8. Huwaw galing! Lalim ng mga Tagalog!

    ReplyDelete
  9. thanks sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..add na rin po kita..tagledin sheets..

    ReplyDelete
  10. lalim. diko kayang magsulat ng poem sa tagalog kasi nagbabasa na nga lang ako nosebleed na.lols

    ReplyDelete
  11. mahusay ang tula na ito! :)

    ReplyDelete
  12. @sir Arvin: salamat sir :) patuloy lang padaluyin ang mga salitang may damdamin ;)

    @-mark-: hehe ginoong bihasa,sige nga ano ang mensahe ng tula ;) salamat po :)

    @The Gasoline Dude: thank you po ;)

    @pusangkalye: mababaw lang ang tula read mo lang ng dahan-dahan hehe ;)

    @DramaKing: salamat :) siguro mahusay din ang pagkakabasa mo? ;)

    ReplyDelete
  13. nice one!!

    purong pinoy!!

    ReplyDelete