Hindi Bagyo ang Dahilan ng Ulan


Hindi bagyo ang dahilan ng ulan
noong isang hapon sa Ortigas
kundi pagsasalubungan
ng magkaibang hangin


na hindi ko matangging akin
ang isa at sa daan-daang tao
sa mga daang patungo sa iyo
iyong bumati sa akin


sumalubong sa estrangherong
walang bitbit kundi barya-baryang pag-asang
maabot ang tayog ng mga gusali
mabagtas ang distansiya


ng mga nagmamadaling paa,
hindi nagtatagpong mga palad
mga iniiwanang sulyap
sana ikaw na, sana ikaw na siya


ngunit hindi kinakailangan
doon ang hindi maaari
ng lungsod na laging umuuwi
sa muling pagpasok sa umaga


doon ang hangin na lamang
ang natitira para sa akin
upang makasalubong ka
sa isang buntong-hininga


Pasintabi kay Makilim
Mula sa "Sapagkat nasa kuwento ang Mundo"
wala nang ibang magagawa kundi ang magsalita


9 comments:

  1. Anyare, something in common?

    ReplyDelete
  2. @S.I.C.: wala naman :) inarte lang sa ulan,may namimiss chot! ;P

    ReplyDelete
  3. @yehosue: nice... really nice... ikaw na ang makata! :)

    ReplyDelete
  4. gusto ko yong ganitong pagkakasulat. very nice.. iba talaga ang epekto ng ulan, no? :)

    ReplyDelete
  5. drama queen.. char!!

    emo emo ba ang eksena much??

    ReplyDelete
  6. @nate: naman!salamat :)

    @Pepe: salamat ginoo,tama oh ulan!oh ulan!hehe

    @ceiboh: keme lang marz!more of arte arte much scene hahaha

    ReplyDelete
  7. napadaan lang ako dito KrispyKreme, mwahhhhh !

    ReplyDelete
  8. @Papa Pilyo: :) KrispyKreme with Almonds hahaha saan ka pa!hehe salamat

    ReplyDelete