Ito ay ang lupang tinubuan ng ama ng aking tatay. Musmos pa lamang ako sa lugar na ito na ako pinagbabakasyon ng aking mga magulang. Matatagpuan ito sa timog na bahagi ng Luzon. Lugar kung saan matatagpuan ang kapeng barako at balisong. Ang Batangas. Ang lugar ng aking lolo ay munisipyo ng Lemery.
Sa maliit na bayang ito sinulit ng aking kamusmusan ang maglaro. Umakyat sa puno, kumain ng lupa at dahon, makipagtakbuhan sa palayan,makipag-usap sa mga bituin na bibihirang masilayan ang ganoong karami nilang bilang sa lungsod at ang magtampisaw sa aplaya (turing ng aking lola sa dagat).
Sa pagdaan ng panahon ang lugar na ito pa rin ay aking binabalikan. Pumanaw na ang aking mga ninuno kung kaya't mga tiyo at tiya ko na lamang at mga pinsan ang siyang naninirahan at nangangalaga sa tahanang naiwan ng aking lolo at lola.
Sa maliit na bayang ito sinulit ng aking kamusmusan ang maglaro. Umakyat sa puno, kumain ng lupa at dahon, makipagtakbuhan sa palayan,makipag-usap sa mga bituin na bibihirang masilayan ang ganoong karami nilang bilang sa lungsod at ang magtampisaw sa aplaya (turing ng aking lola sa dagat).
Sa pagdaan ng panahon ang lugar na ito pa rin ay aking binabalikan. Pumanaw na ang aking mga ninuno kung kaya't mga tiyo at tiya ko na lamang at mga pinsan ang siyang naninirahan at nangangalaga sa tahanang naiwan ng aking lolo at lola.
Ang mga kalaro ko noon ay mga magulang na ngayon. Ang kanilang mga anak na ang naghahabulan sa lupang minsa'y dinumihan at sinugatan ang aming mga paa. Sila ana din ang umaakyat sa puno na noo'y kinapitan ng mumunti naming mga kamay at braso. Panahon nga naman tila kailan lang.
Isa sa binabalik-balikan ko ay ang aplaya (dagat) . Kilala ang Lemery sa beach resort na naglipana dito. Hindi man ito kasing ganda ng ibang resorts dinadagsa ito dahil sa abot kaya ito sa bulsa at hindi kalayuan sa lungsod.
Dito ako ngayon madalas pumunta kapag umuuwi ako sa Batangas. Minsan na ring may nakasama ako sa paglalakad sa may dalampasigan. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon tinangay sila ng alon. At ngayon ay tanging alaala na lamang sila ng lumipas. Musika sa aking pandinig ang hampas ng alon. Ang tubig alat ay nagsisilbing pamatid uhaw sa tuyot na balat. At ang sikat ng araw ang nagbibigay init sa malamig na katawang lupa.
Dahil sa off season at kaunti ang tao pasok sa banga ang mag reflect.I took these photos December 2010 Christmas Vacation. Salamat at nagpakita ang haring araw sa anyo nitong takipsilim. |
Binabalik ng alon ang mga gunita
Sa bawat pagsikat at paglubog ng araw
Nagpapaalalang may mananatiling pag-asa
Sa lawak ng karagatan hindi ka mag-iisa
Maglalayag ang bangka na mayroon kang kasama
May mga kilala kang Venturanza? Isang dekada na rin nang huli akong mapadpad sa Lemery. Hehe.
ReplyDeleteganda ng mga shots. parang professinal photographer ang kumuha.
ReplyDelete@Mugen: Wala ako kilala Venturanza sir. Siguro mga tito at tita ko na talagang sa Lemery lumaki
ReplyDelete@Raindarwin: weeh?parang di naman hehe :P
ganda ganda nga ng mga shots.. isang beses palang akong napadpad jan sa lemery, way back in college, umattend ng lamay ng father ng professor ko.. effort yun, from quezon to batanggas,, LOL
ReplyDeletemay mga kilala ka ba na magsino?? hehehe magtanung ba?
@yehosue: nice photos!! placid, tranquil, serene, nostalgic.. ganyan..
ReplyDelete@ceiboh: lamay? my father lived sa lipa, batangas for about 8 years.. napamahal sya sa mga Batanguenos.. when he passed away, he particularly chose to be buried sa Lemery..
namiss ko ang lemery,malapit lang kami jan
ReplyDelete@Nate: Hindi ko kinaya ang adjectives ha!Salamat! ;)
ReplyDelete@Ceiboh: Narinig ko na ang apelyidong Magsino.Wala nga lang akong kakilalang specific person.
@buendiaboy: Uy!Saan kayo sa Batangas?