SMS: Iwan


Pauwi na ako galing trabaho
Gabi na
Hindi pala
Pasado alas dose na ng madaling araw
Sabado na
Umaga na
Ayos lang wala namang pasok pagdating ng liwanag

Sa intayan ng pangalawang dyip na aking sasakyan nag-aabang
Dahil sa inip
Hinawakan ang bulsa at sinilip ang cellphone
May mensahe
Binasa ang mensahe ng mabilis

"wer u at?"

May natitira pa namang load
Walang masamang mag-reply
Bilang ikaw naman ang bumuhay sa sms feature ng cellphone ko nitong nagdaang buwan.
Kung gaano ko kabilis binasa
Ganoon din mabilis na nag-reply.

"intay ng dyip,pauwi na"

Wala nang amor
Wala nang kilig
Hindi na tulad ng dati

Dumating ang dyip
Masuwerte at walang tao sa tabi ng tsuper
Sa ganoong alanganing oras kung maari sa tabi ako ng tsuper
Takot na muling maholdap
Ngunit inaasahang magahasa
Sinisilip ang cellphone mula sa bulsa
Iniintay kung may magrereply
Oo na,iniintay kung may reply ka

itutuloy...

3 comments:

  1. Hahaha " Ngunit inaasahang magahasa " Natawa ako dun ah. Ingat lagi sa pag-uwi kapatid : )

    ReplyDelete
  2. rachel santiago6/25/11, 1:03 PM

    hahaha. okay ah, inaasahan talagang magahasa teh? bitin! mooore! :P

    ReplyDelete
  3. waitin for the next one! :)

    ReplyDelete