(ikalawang bahagi)
(ang unang bahagi)
Matagal bago ang sumunod mong reply
Inabot ng mga labinlimang minuto
Maya't maya ang silip sa cellphone na nasa bulsa
At sa muling pagsilip, may mensahe mula sayo
At dahil nasa tabi ako ng tsuper
Walang takot ko nang inilabas ang cellphone
At binasa
"u know wat, kung meron man aqng isang pagkakamali, un ung iwan kita..haist..ewan q b.."
Huminga ako ng malalim
Itinago muli ang cellphone sa bulsa
Gusto ko sanang sabihin sa tsuper ng dyip na "Manong ihinto mo sandali!(hihinga lang) Sige po andar na ulit tayo!"
Pero hindi tuloy tuloy ang byahe
Isang oras ang byahe, buti na lang hindi ako naiinip pag mahaba ang byahe
Isang oras na sakay ng dalawang dyip at tatlumpung minutong paglalakad
Nakauwi na sa wakas
Inayos ang sarili,maging ang mga dalang payong,id at cellphone
Dumungaw sa bintana tangan ang cellphone
Itatapon ang cellphone?hindi!lumang model na nga itatapon pa
Hindi ko alam kung ano ang tamang tugon sa mensahe na nabasa ko mula sa iyo
Nilamon na nang ganda ko ang utak ko,echoz!
Ang tangi lamang naitipa ng mga daliri ko sa keypad ay
"everything happens for a reason"
Message sent
Walang amor
Walang kilig
Di na tulad ng dati
Tinangka ko pa noong ipaglaban
Ngunit sanabi mo magkakasakitan lang
Kunsabagay masakit nga naman ang may kahati
Nasa huli nga ba ang pagsisi?
Ako,wala akong pinagsisisihan
Hindi ko kailanman pagsisisihan ang magmahal
Showing posts with label past is past. Show all posts
Showing posts with label past is past. Show all posts
SMS: Iwan
SMS: Iwan
Pauwi na ako galing trabaho
Gabi na
Hindi pala
Pasado alas dose na ng madaling araw
Sabado na
Umaga na
Ayos lang wala namang pasok pagdating ng liwanag
Sa intayan ng pangalawang dyip na aking sasakyan nag-aabang
Dahil sa inip
Hinawakan ang bulsa at sinilip ang cellphone
May mensahe
Binasa ang mensahe ng mabilis
"wer u at?"
May natitira pa namang load
Walang masamang mag-reply
Bilang ikaw naman ang bumuhay sa sms feature ng cellphone ko nitong nagdaang buwan.
Kung gaano ko kabilis binasa
Ganoon din mabilis na nag-reply.
"intay ng dyip,pauwi na"
Wala nang amor
Wala nang kilig
Hindi na tulad ng dati
Dumating ang dyip
Masuwerte at walang tao sa tabi ng tsuper
Sa ganoong alanganing oras kung maari sa tabi ako ng tsuper
Takot na muling maholdap
Ngunit inaasahang magahasa
Sinisilip ang cellphone mula sa bulsa
Iniintay kung may magrereply
Oo na,iniintay kung may reply ka
itutuloy...
Subscribe to:
Posts (Atom)