If there's one thing I'm surprised I can do quite well, its detaching.
Kaiba ako noon sa mga pangkaraniwang bata. Na pag-iniiwan ng magulang ay nag iiyak. Hindi naging problema ng magulang ko nung unang pasok ko sa paaralan. Ang classroom sa halip na boses ng teacher na nagtuturo ang maririnig mo ay iyakan ng mga bata. Madilim rin ang silid dahil natatakpan ng mga magulang na nakasilip sa bintana ang liwanag. Ako tahimik lang sa sulok naglalagay ng lipgloss. (lipgloss??!nursery?kerengkeng na bata!choz!LOL)
Dahil sa pagiging abala din ng aking magulang sa paghahanapbuhay naiiwan kami sa pangangalaga ng kasambahay. Dahil hindi nga ako iyakin maliban lamang pag pinapalo lang talaga ako sa sobrang kasutilan eh ang kasambahay ang trip kong paiyakin. (bratinela much!) Pero naaalala ko isang bases na umalis ang tita ko para bumalik ng probinsya matapos magbakasyon. Nakaramdam ako ng lungkot. Ugaling pinapatulog ang mga bata sa tanghali sa napakadaming kadahilahan. Kung pagtangkad ang isang dahilan naku nagtulog-tulugan lang pala ako. Pagkagising ko nakaalis na si tita, bumangon ako at lumabas ng bahay. Kakatila lamang ng ulan. Lumabas ako malapit sa kalsada at naupo yakap ang aking tuhod nakatingin sa malayo. Sa pagkakataong ito nakaramdam ako ng lungkot. Subalit hindi ako umiiyak o humahagulgol tulad ng ibang bata. Ngunit makikita sa aking mga mata ang pangungulila, ang pagnanais nito na sana huwag muna umalis si tita.
Sa mga nakalipas na taon kung iisa isahin ang mga bagay patungkol sa usaping letting go na kaugnay ang pag-ibig .Mga apat na beses ko na itong nagawa. Dalawa dito ay masasabi kong summer love (Naks!lakas maka teenager!) na naganap noon isang taon at ang isa ay kamakailan lamang.(hindi na nadala,pero sabi nga ('one is enough two is too much three is a crowd' pak!LOL) Nahirapan ako lalo na sa unang beses kong magpalaya. Five years na rin pala ang lumipas mula noon. Subalit sa mga sumunod ay hindi na ako masyadong nag struggle. Marahil dahil na rin siguro sa iba't iba ang istorya ng bawat isa ngunit sa kalaunan ay tutuldukan din.
Hindi naman maiiwasang masaktan, kasabay pa ang pakiramdam na resentful at confused. Pero sabi nga magsasara ang pinto pero may bintanang maaring buksan upang makahinga ng maluwag at muling maaninag ang liwanag. Nandyang nasambit ng aking labi sa unang pagkakataon na 'hindi ko yata kaya..ang hirap'. Subalit sa mga sumunod na karanasan mas pinili ko na sa aking palagay ay isang maginoong pamamaraan ang itikom ang aking bibig. Dahilan na rin ito sa mga paraan na ginawa ng nakalipas upang tapusin ang namamagitan. Ako na ang nilisan sa paraang ikinasangkapan ang bagong teknolohiya. Walang saysay, walang katuturan, kaya hindi na dapat pag-aksayahan pa ng oras.
Natapos na muli ang tag-araw. Ngunit nanatiling maalinsangan sa aking lupang tinubuan dahil sa tropikal nitong klima. Madali naman itong mapapawi ng mga kalat kalat na pag-ulan na siyang hudyat ng bagong panahon.
Sa kasalukluyan isa akong bakal na muling kinalas sa inaakalang mahigpit nitong pagkakakapit. Gaya noong musmos pa lamang ang bakal madali itong kumalas hindi naging madali. Subalit hindi naman maaring manatali ang bakal doon hangang sa kalawangin at mawalan na ng halaga.
At dahil kaiba ang bakal sa karamihan nadadala ito ng hangin. Malayang sumasayaw na tila alon sa ihip ng hanging habagat. Muli itong maghihintay, mangangarap, mag-aabang, mananalingin na nawa'y sa susunod na pagkapit maging ang kalikasan o sinumang nilalang ay mahihirapan itong ikalas.
Lumayo man ang araw sa nakalipas na tag-init. Hindi ito titigil sa pagsikat. Patuloy na magliliwanag at magsasabog ng walang hanggang kaligayahan.
Sa palagay ko, hindi angkop sa iyong kagandahan ang tag-init. Mas mainam ang pag-ibig na bumubuhos sa tag-ulan; yung tipong lulunurin ka sa baha ng pagmamahal. :)
ReplyDeleteano tagalog confuse? nalilito! ay alam mo...relate ako...hirap sa una...pero u get used to it...na sad nanamn ako...- lani lande
ReplyDeleteawww. i love it. i feel you. di bale, bibigyan kita ng lip gloss pag nagkita tayo! smile na! ;)
ReplyDelete