Its amazing how the power of scent can take us through time and space, and experience once more the events that has long past .
Hindi ko alam sa iba, ako sa tuwing naaamoy ko ang pabango na Lewis and Pearl Chill it takes me back to my high school days. Baby Bench at Bench Atlantis naman noong elementary. Ang amoy ng Palmolive conditioner na kulay green ang nagpapaalala sa akin sa kanya at ang Ariel Detergent Powder ang sa isa naman.
Batay sa isang nobela ni Patrick Suskind noong 1985 na 'Perfume' ang pelikulang 'Perfume: The Story of a Murderer' na idinirehe ni Tom Tykwer at sa panulat nila Andrew Birkin, Bernd Eichinger at Tykwer.
18th Century France ang setting ng pelikula. Sa opening sequence pa lang ay dadalhin ka na nito sa mga iskinita at palengke sa France. Partikular sa pamilihan ng isda kung saa isinilang ang bidang kontrabida na si Jean-Baptiste Grenouille (Ben Winshaw). Kaiba ang ginawang atake sa eksena kung saan isinilang ang lead character na may pambihirang sense of smell. At sa pagdaan ng mga araw lalong tumitindi ang kakaibang kakayahan niyang ito. Sa pamamagitan lang ng pagsinghot ay ramdam na niya ang init ng mga bato,ang lamig ng tubig at kung anu-ano pa. Kung gaano katindi ang pangamoy ni Jean-Baptiste ganun naman siya katahimik. Less talk siya sa kabuuan ng movie. Singhutan lang talaga ang labanan.
Maituturing na visually and olfactory entertaining ang disenyo ng pelikula. Mula sa kulay,ilaw at kasuotan at maging sa make-up at props. Sa umpisa tahimik pa ang daloy ng mga pangyayari subalit gugulatin ka nito sa kalagitnaan at hanggang matapos ang pelikula. May isang eksena sa bandang huli ng pelikula sa talagang napa 'oh my!' ako at nasundan ng 'oh wow..'. Kung may sasalihan ulit akong pelikula at may ganung eksena volunteer na ako kahit walang bayad! LOL :)
Hindi ako mahilig sa pabango subalit aminado ako na bahagi ito ng aking pang araw-araw na buhay. Tila may kulang sa akin pag hindi man lamang napatakan kahit kaunti ng pabango ang aking kasuotan. Ngunit hindi dahil tinawag na pabango at mabango na nga ito. May ibang halimuyak na kakaiba at may itinatagong lihim.
Ikaw what is your scent? Maaring ko bang maamoy? :)
Napanood ko na ito. Haha. Grabe yung mga pinaggagawa niya. Hehe.
ReplyDeleteMy scent btw is Davidoff Coolwater. Ang tatay ko actually ang may gusto niyan pero since lagi siyang umaalis, iniiwan niya at ako ang gumagamit ng mga pabango niya. mabango naman siya. ehehe
waaah i wanna watch that too...parang interesting sya..
ReplyDeletemy scent would be Clinique Happy.. it's soo me! lol
@GB: Most of my female friends like Davidoff Coolwater for women,di ko pa naamoy ng mabuti ang Davidoff for men..so its your dad's scent kaya ikaw na ang amoy daddy hehehe ;P
ReplyDelete@Popsy: Medyo disturbing ang pelikula pero I think kakayanin mo naman :) Nung minsan akong gumamit ng Clinique Happy for men,minolestya ako sa LRT. Ewan ko kung dahil sa pabango oh maharot lang talaga ako LOL :P
oooooooooooooooHHHHHHHHHHHHHH myyyyyyyyyyyy....
ReplyDeletedowny isang banlaw reminds me of him and _ _ _....hehehhehe- Lani maharot
kakayanin sir! :)
ReplyDeleteprobably both! :) hahaha natawa ako dun! :)
anyways i've got a new post! la lang, makishare lang! :)