Kadalasan nagsisimula ang mga bagay sa pagpapakilala. Ito ang hindi ko nagawa ng magsimula akong mag blog. Ito marahil ang dahilan kaya hindi umusad ang aking blog (maliban sa katamaran at kawalan ng inspirasyon)
Kaya sa muling pagsasanib ng mga titik at pagdaloy ng mga salita. Aking lalapatan ang unang pahina ng bagong kabanata ng mga bagay patungkol sa inyong lingkod.
Magsisilbi kong batayan ang naging popular na post ng ilang blogger (sikat na blogger) ilang buwan lamang ang nakakalipas. Ito ay ang "50" (limampung bagay tungkol sa iyong sarili). At dahil sa ako ay 25 taong gulang pa lamang na laging napagkakamalang menor de edad. Hahatiin ko sa dalawang bahagi ang 50. Maiba lang. :)
1. Isa akong certified at proud batang Tundo. Born and raise ika nga. Maswerte ako at hindi sa magulong bahagi ng Tundo napadpad ang pinagsanib na binhi ng aking mga magulang. Bagama't gayun nga Tundo pa din. Hindi mawawala ang thrills at adventure.
2. May lahi kaming instik at kastila ayon sa mga nakatatandang kamag-anak. Pero mas malaking porsyento ang lahing kayumanggi ang dumadaloy sa aming ugat at ito ang lahing Igorot.
3. Nagmula sa maliit na pamilya panganay at may isang nakababatang kapatid na babae. Itinuturing na bagong bayani sa panahon ngayon ang aking ina at sa isang paaralan naman empleyado ang aking ama.
4. HRM at MassComm ang kursong pinagpilian ko nung kolehiyo. May height requirement ang HRM hindi na ako umasa,subalit nagulat na lang ako ang classmate ko nung high school mas maliit pa sa akin mukha pang halimaw (tawag namin sa kanya,ako kasi tiyanak) eh nakapasok.
5. Mass Communication talaga ang bagsak ko,hindi man katangkaran talented naman at pang TV bilang Broadcast Communication ang napili kong major. Sa likod nga lang ako ng camera. :)
6. Milk Chocolate Drink at Green Tea ang comfort drinks para sa akin.
7. Noong Elementary at High School lagi ako sinasali sa mga Mr. and Ms. ek ek siyempre ako yung panlaban sa male category. Kasi kung sa female panigurado ako lagi ang mag uuwi ng korona. :) Matangkad kasi ako tignan para sa isang elementary at high school noon. Nung nag college na ayun tumigil na ako sa pagtaas. Okay lang kasi lumaki naman ang ibang bahagi.
8. Comfort food ko naman ang champorado na madaming madaming madaming gatas. Powdered milk man o Evap basta gatas.
9. Sa sobrang ligalig at kulit ko nung bata naisilid na ako sa sako at pinatayo sa labas ng bahay namin ng hubo't hubad. Hagulgol ako habang takip ng dalawang kamay ang aking kaselanan.
10. Mahilig ako sa gulay,huwag lang okra at yung bulaklak ng kalabasa. Sa mga prutas kaclose ko ang ponkan,orange,pinya,apples,grapes,pakwan,melon,strawberry.
11. Kapag may handaan spaghetti o kahit anong pasta dish ang lagi ko hinahanap. Tapos I really like pag madaming madaming cheese! Yung tipong mas marami pa ang cheese sa pasta. :)
12.Nanalo na ang ng isang title at first runner up sa pagsali sali sa mga pageant sa school noong Elementary at High School. Yung sash ko noon nakatabi pa pati yung trophy at yung stuff toy na trophy. :)
13. Ayaw ko ng makalat. I want all things in proper order. Iyong tipong kung saan mo kinuha dapat doon din ibabalik. Kahit hindi malinis basta hindi lang makalat. Hindi naman ako OC masinop lang talaga.
14. Nahilig akong magbasa noong dalawang taon kaming nasiraan ng TV hindi naipaayos sa kawalan ng perang pampaayo. Naalala ko sa bahay ng tita ko pa ako nakikinood. Sasakay ng jeep para marating ang bahay ng tita ko,nilalakad ko lang. Ilang nobela at kung anu anong babasahin ang nabasa ko noon. Maganda ang naidulot kaya pinagpapatuloy ko hangang sa kasalukuyan. Ang maging palabasa.
15. Matakaw ako sa tubig kaya naman ihi ako ng ihi. Ayos na yung ganun bilang sakit sa bato ang sakit ng aming angkan. Prevention is better than cure sabi nga.
16. I don't smoke, I do drink occasionally, drugs never.
17. Maasahan ako pag dating sa gawaing bahay. Sinanay ako ng nanay ko bata pa lang ako. Ayon I'll grow up to be an ilaw ng tahanan pala. :) Pero pag paplantsa na ang pag uusapan medyo tagilid ako dyan.
18. Noong nag aaral ako kahit minsan hindi napatawag ang mga magulang ko sa school dahil sa may ginawa akong kalokohan. Bait baitan kasi ako marunong luminis ng kalat. Malinis trumabaho.
19. I don't know how to play any musical instrument. But I do appreciate music a lot. Kanit music lang at walang lyrics the melody and scoring itself ayos sa akin.
20. Bopols ako sa Math. Nagtuturo ang titser ko sa math ako naglilinis ng lababo sa loob ng classroom namin. Sa ibang subject okay naman ako huwag lang talaga sa kahit anong uring numero.
21. Hilig ko ang panunuod ng TV. Mini Series, Drama Series, Documentary, Reality TV etc. All time favorites are Encantadia, Extra Challenge, I-witness, CSI, Sex and the City, Survivor,Amazing Race at Fear Factor. etc. etc.
22.Mapili ako sa mga pelikulang pinanonod ko. Mainstream man o indie. Mga favorites are Little Mermaid, Hurt Locker, The Pianist, Saving Private Ryan, Forrest Gump, The Piano, Life is Beautiful at Schindler's List, LOTR, 500 Days of Summer, Beautiful Mind. etc. etc.
23. Hanga ako sa mga pelikulang gawa sa Korea,Mexico, Italy, France at Thailand.
24. Nag cameo ako (pinagandang tawag sa umekstra) sa isang indi film ni Direk Cris Pablo. Assistant Director ang classmate ko kaya nakapasok ako. May linya naman ako at close up shot kahit papaano.
25. Hindi ko pa nararanasan ng matulog ng hubo't hubad. Nakakatulog ng topless kaya pa. Dapat may unan sa paanan ko at kumot sa bandang tiyan.
Una pa lamang sa dalawang bahagi ng post na ito...
ayun naman eh. hehehe. so close na tayo? hehehe
ReplyDelete@DH ayun oh!ehehe gaano naman kaclose?? :P
ReplyDeletehahahah like ko #9,25...Like ko din sex and the city pero mas like ko _ _ _...WAhahahahah- lani mahilg sa lalaki
ReplyDeleteang dami natin similarities! hehe. hindi ko mabilang pero sa pagkain ugali at sa mga hilig magkasundo tayo :)
ReplyDelete@pluripotentNurse salamat sa pagdaan :) apir! :)
ReplyDeletewow!! ang haba!! napakisapag mo!!! follow tlga kita dahil active ka.!! ayan! hanggang d2 palang ang nababsa ko sa post mo. yung mga movie review nilagpasan ko na kasi alam ko na yuN! heheheh!! love u pre!:-)
ReplyDelete