..beschum #3..

Itago natin si Beschum#3 sa pangalang Rogue.Muli isa po uli siyang Eba. Elementary kami nagkakilala. Isa rin siya sa mga pangalang isinasagot ko sa tanong sa slumbook na 'who is your crush?'

Honor student itong si Rogue,Valedictorian noong elementary days namin. Nakaktuwa kasi noong graduation march magkatabi kaming naglakad. Siya bilang number one sa klase at ako bilang Best in Character. Pilit kong inaalala ang karakter ko noong mga panahong iyon para magamit ko ngayon,ang hirap sobrang sweet at inosente pa ako noon. [^^,] at dahil nga bukod tangi ang karakter ko sa buong klase. Ako ang may dala ng diploma nila na nakalagay sa brown envelope.Naisip ko that time,ipuslit ko kaya ito,tipong kidnap o ransom.Ikaw na ang kidnapin ang kinabukasan!? [^^,] bwahahaha

Mabalik nga pala tayo kay Rogue,matapos ang elementary,muli kaming naging magkaklase sa high school mula sophomore hangang senior.At nang mag kolehiyo naiba ang landas ng bawat isa. Ngunit nanatili pa din ang communication namin.

Si Rogue ang nagturo sa akin kumain ng ampalaya. Isang boring na hapon naisipan kong pumunta sa kanila,saktong tanghalian. Habang kumakain at ampalaya nga angulam pinagmasdan ko siya. Sarap na sarap sa pag nguya ng ginisang ampalaya. Samantalang ako kinalumitan ang salitang nguya ng mga oras na iyon,kasi pagsubo sabay lunok. Hindi naman ako pwedeng mag inarte sa kung ano ang inihain sa lapag,este hapag pala (kina beschum#1 kasi sa lapg kami kumakain ) ako na nga ang nakikikain.

Bigla akong nag dialogue ng "Favorite mo itong ampalaya anu?"

"Oo pampatalino kaya yan!"

Nanlaki ang mata ko,ang friend ko isiniwalat ang isa sa mga sikreto ng kanyang katalinuhan!Ang ginisang ampalaya nang tignan ko naging stir fry tenderloin na!May isang dekada na akong kumakain ng ampalaya,bakit kaya ang tagal ng epekto sa aking brain vitality [^^,] gumanda lang ako lalo. [^^,]

Sa klase namin noong 3rd year high school sa Geometry naging seatmate kami ni Rogue. This is it!pagkakataon ko nang magamit ang katalinuhan niya!!Hala!!Bakit ganoon!Pag exams or quizzes hirap din siya!Hindi lang siguro niya talaga forte geometry.

Narenew na kaya nya ang MTRCB card nya? Miss ko na manuod uli sa Imax ng libre. At makakita ng mga cashier sa ticket booth na sumisimangot pag ipinapakita niya ang card na nagpapahiwatig na di namin kailangang magbayad.

[^^,]


Sa kasalukuyan hindi pa din narerenew ni Rogue ang kanyang MTRCB card. Sa katunayan ako pa ang manlilibre sa kanya sadarating na linggo upang manuod sa 6th Cinemalaya film festival at kasabay nuon ang aming pag-uusap sa balak naming pagsali sa nasabing independent film festival.


July 8,2010
Mula rin ito sa naunag blog ko muli lamang ibinahagi

No comments:

Post a Comment