..beschum #2..

Noong elementary ako hindi pa uso ang social networking.Ang uso noon..slumbook!Slumbook millionaire akong maituturing sa dami ng slumbook na nasulatan ko.Isa sa inaabangang sagot sa slumbook maliban sa 'what is your motto?' ay ang 'who is your crush?'.

At si Beschum #2 ang inilalagay kong pangalan. Itago natin siya sa alyas na 'veklang babuy' vekla kasi babaeng bakla ito,babae mga dre!May estrogen!Babuy kasi malusog.[^^,]

Nakita ko tumaas ang kilay mu!After mabasa ang sentences na nasa itaas. Oo tama ka!Babae ang crush ko!Testosterone pa rin ang nananalaytay sa ugat at dugo ko!And besides kahit majubis itong si Beschum #2 eh dami rin talagang nag kakacrush sa kanya!Brain is really sexier than pussy alone.

Tatlong taon lng kami nagkasama nung Elementary kasi sa hometown na tinapos ng bruha ang kanyang elementary education. Wala masyadong eksena kasi may pagka nerd itong si Beschum #2.Unlike si Beschum #1 na talaga namang pasabog!

Makalipas ang tatlong taon!Kolehiyala na ako..[^^,] 1st day of class balot ng tensyon ang loob ng classroom habang inaantay ang teacher. From section 3 nung 1st year nalipat ako sa section 1, ngayon sophomore na ako,fresh at virgin pa din. Hindi ata dahil sa academics kundi sa talent at star quality! [^^,]

Because of that konti lng ang kilala ko, kasi tatlo lang kami from section 3 na nalipat sa section 1.Kaming 3 may star potential!(isang best actor,best supporting actor at best director mga awards na napanalunan namin sa ibong adarna play)Hulaan nyo na lang kung anung ginawad sa akin.

Dahil gumala na ang mga mata ko sa mga bagong mukha sa paligid ko,isang pamilyar na mukha ang gumulantang sa akin!Si veklang babuy yun ahh!At dahil nalampasan na ang puberty age.Ganda ni veklah!Medyo nabawasan na rin ang timbang pero may baby fats pa din.Assets nya yun actually.Para raw may panggigilan.Gigil by using your hands,your teeth and your..yun na yun!Pwede ring gamitin yun pag nanggigigil ka.

Nakatingin ako sa kanya at sabay tingin din siya sa akin,naramdaman nya yata na may cute na tumitingin sa kanya.Pagtingin nya sa akin sabay linya siya ng 'Uuuy!habang nakaturo ang hintuturo niya sa akin.Binato ko naman siya ng linyang 'Uuuy! (puno ng sense at emosyon)sabay flash ang killer smile ko.

Biglang dumating ang teacher sa black magic at poison making este English pala.Akala ko black magic class na ito.

Natapos ang klase sa witch craft/english.

At kami ni beschum #2 hindi natapos ang paghaharutan!

Isang bagay ang napansin ko sa kanya ng mgapanahong ito,hindi na siya studious unlike before.

Kung sa bagay madami naman siyang stocks sa kanyang grey matters. Hehehe

Sangkatutak ang mga escapades naming tatlo (ako,beschum#1 and beschum#2) kaso karamihan censored at si beschum#2 ang bida best actor/actress in a supporting role lang kami ni beschum#1.

Sige share ako ng isa..galing kami ni beschum#1 sa magdamagang inuman nang pauwi na kami biglang nagtext ang veklang babuy(beschum#2) na magkita kita kami.

'Bakit?!anung merun?'

Nakipagtagpo pala ang bruha sa kanyang forbidden love. (as in kinabog ang mga royal family sa pagka forbbiden ng relasyon ni beschum#2) Pero ang paalam niya sa kanyang tita na tumatayong guardian niya ng mga panahong iyon eh sa amin nakipagkita.Kaya dapat pag-uwi niya kasama niya kami.Tipong mga backup dancers ni Alma Moreno.

At kahit may hangover pa sa paglaklak ng matador nang nakalipas na araw.Tumuloy pa rin kami sa taping (dahil matinding pag arte na naman ang gagwin namin sa harap ng tita ni beschum#2)

Madami pang kakabiglang kwento itong si beschum#2 sa ibang post ko na lang ilalagay.May social relevance kasi ang karamihan.[^^,] hehehe

Sa ngayon patuloy pa rin sa pagsusunog ng kilay si beschum#2.Hindi na nga kami makapag intay na makagraduate siya para tuloy tuloy na ang pag rampa!!

[^^,]

July 6,2010
Nagmula din ito sa unang blog ko na muli ko lamang ibinabahagi

No comments:

Post a Comment