..beschum #1..

Sa jackstone nagsimula ang friendship namin ni Beschum #1. Grade four kami nung magkakilala.Sa gitna ng umpukan ng mga classmates ko na naglalaro ng jackstone.At syempre kasali ako dun! [^^,] Jackstone ang pambansang laro sa classroom ko noong panahon na yun.

Sa mundo naming iyon,ang paglalaro ng jackstone ay parang laban ni Pacquiao,tumitigil ang lahat.Bawat grupo may kanya kanyang umpukan.Bawat isa competitive mode!

Si Beschum #1 ay ang pambato ng grupo kung saan siya mapupunta,samakatuwid pinag aagawan.Talbog ang kamasutra sa mga posisyon nya makuha lang lahat ng stars at maka move on sa next level.

Maliit,payat (imagine one day old na kulay pink at naka false eyelashes),maharot ang kilos at masayahin. Isa sa trade mark nya noon ay ang makukulay niyang nail polish sa kanyang toe nails!ROYGIBV!Patunay lamang na miyembro nga siya ng care bares.

Dahil sa maliit at mukhang kawawa pa siya noon. Madalas siyang pag tripan maging ng mga teachers namin. Minsan class picture time yun,so the day before photo shoot may I remind si teacher na magpagupit. Ang baklita hindi nagpagupit kaya sa araw ng picture taking.Bago umupo ang titser sa pwesto nya sa gitna,dinakma ang ulo ni Beschum#1 at winagwag!

Hindi lang ulo ang pinuntirya sa kanya even ang kanyang ngipin.There was a time absent ang hitad,pagpasok tanung si Mam ng "Bakit ka absent kahapon?" sumagot siya "Masakit po ngipin ko." "Saan masakit?" tanung uli ni Mam "Dito po" sabay turo sa kanang pisngi.Sa sobrang considerate ng titser namin sinampal ang kaliwang fez ni Bez!Sabay linyang, "Ayan pantay na".Kitang kita ko ang mga eksena ayun ako nakaupo sa desk at pigil na humahalaklak. [^^,]

Pagdating sa talent hindi siya papatalo,miyembro ako ng dance troupe noong elementary.Salingkit lng siya kasi kailangan madami raw ang sumayaw. Mas makatwirang tawaging dance troupe kung 5 pairs kaysa 1 pair lng. At dahil nga miyembro ng care bears inborn na ang pag hit ng matataas hindi matitigas ha!na nota kay Bez!One day old na songbird! Kayamaging ang pagigigng choir member ay pinatos nya.

Nakakatuwa lang dahil ang salingkit sa dance troupe noon ay isang pumapagaspas na dancer na ngayon.Mas kinarir nya ang pagsayaw kaysa sa mga totoong miyembro ng dance troupe noong elementary.Take note!Winner siya ng male dancer of the year when he graduated from college!Kalevel ang cum laude sa laki medal!Present ako noong awarding kaya alam ko!Applause!!At mas madaming naawrahan ang hitad sa dance troupe!Sumasayaw while bumibirit ng high notes!Performer!!!

Tumangkad kasi ng bonnga ang baklitang one day old matapos matuli!Ika nga ugly duckling noon,swan princess na ngayon.Ako,kahit magpatuli ako ngayon hindi na ata tatangkad mas lalo lng lalaki (uuyy nag imagine!!ang kati ha!)mas lalaki ang gastos!Patas lang talaga si Bro!

Mahigit sampung taon na kaming magkakilala,di na rin mabilang ang mga rampa,harot,landi at tawanang aming pinagdaanan. Never a dull moment. Pero ngayong unti-unti nang nagmamature ang aming isip. Iba na ang topic ng mga kwentuhan.Pamilya,relasyon,sex,politika,environment at kung anu ano kabilang na rin ang hinaharap.Mas malalim mas makabuluhan.

Hindi man kami madalas magkasama,we are still looking forward to see each other..Lalo pa at may utang ako sa kanya na hindi ko pa nababayaran..Hehehehe

That's simply called FRIENDSHIP.

[^^,]

July 5,2010
Mula ito sa una kong blog muli ko lamang itong ibinahagi

No comments:

Post a Comment