Bagong Kabanata

 Nakakatuwang isipin na may mga bagay na sadyang hindi maipaliwanag. (Horror post ba ito?hehehe)

 Mahabang panahon na ang lumipas ng halos gulat ang aking gunita at hirap ang paghinga subalit mabilis ang tibok ng aking puso.

 Ipinipikit ko ang aking mga mata subalit hindi himbing ang aking diwa. Sabay sa bukang liwayway ang matinding sikat ng araw subalit manhid ang buo kong katawan.

 Muli na naman akong nilisan,ito ay hindi na bago makatatlong ulit na yata itong nangyari. 

 Sana hindi na namutawi sa aking mga labi na madali akong kausap. Na kung nais mo nang itigil ang ugnayan sabihin mo lang madali akong kausap.

 Ikinakalas na ang pagkakatali subalit sa simula mahigit pa rin ang aking kapit. Hanggang sa tuluyan nang lumaya sa himpapawid. Kung gaano ako kadalin kausap ganoon din yata ako kabilis makalimot. Ang gagawin ko lamang ay pupunan ng mga pagkakaabalahan ang aking isip. At ang aking puso ay nananatiling pumipintig. Naghihintay at hindi nawawalan ng pag asa.

 Ngunit sa gitna ng lungkot at pangungulila ay hindi mo talaga inaasahan na muling mababakas ang ngiti. Isang uri ng ngiti na bihirang masilayan ng kahit sino mula sa akin. Ang mga mata ay makakaramdam ng init mula sa sikat ng araw sa aking bawat pagmulat.

 Laking pasasalamat sa mga kaibigan,pamilya..at sa iyo..na mula sa lawak ng kawalan ay biglang darating ng hindi naman inaasahan.

 Hindi ko alam kung hangang kailan ang iyong pananatili,ngunit walang masama kung mananalangin at hilinging dito ka na lamang at hayaang ang bawat araw,oras at panahon ang gumabay sa akin at sa iyo.

 Ang tangi ko lamang alam sa ngayon ay muling namutawi ang ngiti sa aking mga labi,pumungay ang dati ay malamlam na mga mata,muling umalab ang pag-asa na masarap mabuhay magpatuloy lamang sa paglalakbay.



    

2 comments:

  1. heyoshwa....sama tyo hanap ng boys...!! ay! sila pala mgahanap saten! sa ganda nating eto! muli...-mula kay lani mahilig sa lalake

    ReplyDelete
  2. @lani: puro ka harot lani!hahaha :P

    ReplyDelete