Naging bukambibig ng karamihan noong nakaraang linggo ang balitang magugunaw na ang mundo Sabado May 21st. Natuwa ako sa sarili ko dahil parang wala lang ito sa akin. Marahil dahil sa aking naging orientation patungkol sa bagay na ito.
Kung ang pagbabatayan nga naman ang mga nagaganap sa ating paligid sa kasalukuyan, hindi malayong sumagi sa isip ng ilan na nalalapit na nga ang katapusan. Biyernes ko nalaman ang balita. Ako na ang huli sa balita!Sige na okay go!Earth kung magugunaw ka na go!
Natapos ang araw bago umuwi ng bahay tambay muna at umangkas sa bangkaan ng tsismis. Wala akong napala sa tsismis kundi mamburaot ng fries. Pasado ala-una na ng madaling araw ng mapagkasunduan mag-uwian na. Sapat na ang mga impormasyong nalaman mula sa ibang tao dahil sa tsismisan.
Habang sakay ng dyip isang text ang natanggap. Hindi ko ugaling magbasa ng text sa dyip, natrauma na mula sa dalawang beses ng naholdap. Maliban lamang kung importante talaga. Nakita ko ang pangalan kung kanino nagmula,hangang sa binabasa ko na pala ang text (ang kabuuan ng kwentong ito ay mababasa sa hiwalay na post [^^,]). Ngayon lamang sumagi sa isip ko na ang text niyang iyon ang maaring hudyat na nga na para sa kanya na bago man lamang magunaw ang mundo malaman ko ang bagay na iyon.
Pag-uwi ng bahay tulog ang mga taong naabutan. Nag-ayos ng sarili. At dumungaw sa bintana. Pinaalalahan ng matalik na kaibigan na tuloy ang jogging kinaumagahan. Nagbukas ng laptop, browse browse, text text. Hanggang sa unti -unti akong nilamon ng antok.
Ilang oras na tulog, ginising ako ng malakas na ulan (ayan na!the great flood part 2 na!) Biglang bangon agad hinanap ang cellphone at nagtxt. "Bes!Umuulan!Kainis!. Hindi natuloy ang jogging. Kaya para magpapawis nagwork-out na lang sa loob ng bahay a.k.a. labada. Tumila ang ulan,umaraw,uminit sakto sa pasasampay ng mga nalabhan.
Isang munting tinig sa hindi kalayuan ang narinig. (oh my!angel of god!) "Kuya tuloy tayo sa Manila Zoo?" Ang pinsan ko lang pala. Aninag sa kanyang mukha ang excitement sa isasagot ko. "Oo,tuloy tayo!". "Yeheeeey!"
Hapon na ng magpunta ng zoo. Nagkamali pa ng dyip na sinakyan patungong zoo. Lagpas isang dekada na an nakakalipas ng huli akong nagpunta ng manila zoo. Ito na pala ang Manila Zoo, okay! Hindi man ako labis na natuwa sa kalagayan ng hayo na tumambad sa akin, masaya pa rin akong makita ang mga pinsan ko na tuwang tuwa sa mga hayop na nakikita. Nakakatawa nga rin naman ang ilan. Sayang nga wala man lang lion puro tigers (oo tigers plural ang dami nila mga 3 pairs [^^,]).
Hindi na rin kami nagtagal sa zoo. Matapos ang walang humpay na kodakan. Dumilim ang paligid. This is it!Napaliligiran kami ng hayop Noah's Ark Part 2 na ito! Sa takot na mabasa dahil isa lang ang dalang payong ng apat na taong nasa galaan. Nagmadali nang umuwi. Sa pagkakataong ito tama na ang dyip na nasakyan pauwi. Pagod na bumalik ng bahay, pinawi na lamang ito sa halakhakang dulot ng mga kuhang larawan.
Walang naganap na kung anuman ng buong maghapon. Walang nahating lupa, matinding pagbaha, umulan ng apoy oh kung anoman worst case scenario. Gaya nga ng aking nalaman noon. Darating siya na parang magnanakaw walang nakakaalam. Marahil ni wala ring makakaramdam.
Tuloy lang ang buhay. Mananatiling matatag..minsan sinusubok ng mga pangyayari at pagkakataon..pero dapat kayanin..May magandang darating..Kahit sa huli.
Tuloy lang ang buhay. Korek.
ReplyDeleteThanks pala sa comment sa entry ko. Malaking bagay yun.
ay naku!!!!nasan ang tungkol sa text!!!!hehe!!!
ReplyDeletelabada din ako sat pero di ako pinawisan....kung sana my mgpunas ng pawis ko...-lani mahilig sa lalaki
bat nga pala rapture?
ReplyDeleteextreme happiness?
dahil sa text?
hmmmmm.........- lani mahilig sa lalaki