SMS: Iwan

(ikalawang bahagi)

(ang unang bahagi)

Matagal bago ang sumunod mong reply
Inabot ng mga labinlimang minuto
Maya't maya ang silip sa cellphone na nasa bulsa
At sa muling pagsilip, may mensahe mula sayo
At dahil nasa tabi ako ng tsuper
Walang takot ko nang inilabas ang cellphone
At binasa

"u know wat, kung meron man aqng isang pagkakamali, un ung iwan kita..haist..ewan q b.."

Huminga ako ng malalim
Itinago muli ang cellphone sa bulsa
Gusto ko sanang sabihin sa tsuper ng dyip na "Manong ihinto mo sandali!(hihinga lang) Sige po andar na ulit tayo!"
Pero hindi tuloy tuloy ang byahe
Isang oras ang byahe, buti na lang hindi ako naiinip pag mahaba ang byahe

Isang oras na sakay ng dalawang dyip at tatlumpung minutong paglalakad
Nakauwi na sa wakas
Inayos ang sarili,maging ang mga dalang payong,id at cellphone
Dumungaw sa bintana tangan ang cellphone
Itatapon ang cellphone?hindi!lumang model na nga itatapon pa

Hindi ko alam kung ano ang tamang tugon sa mensahe na nabasa ko mula sa iyo
Nilamon na nang ganda ko ang utak ko,echoz!
Ang tangi lamang naitipa ng mga daliri ko sa keypad ay

"everything happens for a reason"

Message sent

Walang amor
Walang kilig
Di na tulad ng dati

Tinangka ko pa noong ipaglaban
Ngunit sanabi mo magkakasakitan lang
Kunsabagay masakit nga naman ang may kahati

Nasa huli nga ba ang pagsisi?
Ako,wala akong pinagsisisihan
Hindi ko kailanman pagsisisihan ang magmahal

5 comments:

  1. malay mo pwede pa... malay mo... may magbabago pa.. malay mo me pag asa pa...

    ahm.. malay mo.. malay natin. malaysia.. lol

    sorry napakoment lang po..hope its OK... :)

    ReplyDelete
  2. @egG: hehehe thank you ms.malaysia!!! :) ewan natin :)

    ReplyDelete
  3. ako? walang ng malay pa! lols. sabi nga ng wise man sa blog ko:

    "When people walk away from you, let them go. Your destiny is never tied to anyone who leaves you. And it doesn't mean that they are bad people. It just means that their part in your story is over. So move on and keep moving forward."

    :)

    ReplyDelete
  4. :(

    All things work together for good.

    ReplyDelete
  5. @^travis: apir!ikamusta mo ako sa wise man na yan!tuloy ang paglalakbay :)

    @DH: don't be sad na :) everything will be alright and all good :)

    ReplyDelete