Me, Myself and I (ikalawang bahagi)

Me, Myself and I (unang bahagi)

26. Pangarap kong magdiwang ng kaarawan kasama ang mga batang kapos palad o may mga karamdaman. Ambassador of Good Will lang ang drama.

27. I'm a nature lover. Lahat ng anyong lupa at anyong tubig. I like!

28. Marami akong hindi pa napupuntahang lugar sa Pilipinas. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako magiging dayuhan sa sariling bayan. Pagdating naman sa ibayong dagat ultimate dream travel destination ko ang Africa at Carribean.

29. Magana ako kumain. Kung bata pa ako pasok ako sa commercial ng mga vitamins na pampagana sa pagkain. Kahit anong ulam basta sana may sabaw. Gusto ko ng may hinihigop. Gusto ko na basa ang kanin ko ara madaling malunok. :)

30. I collect mugs, binabalak pa lamang simulan ang tea cup collection.

31. Nung bata pa ako ilang kasambahay namin ang napaiyak ko,maging kasambahay ng kaptbahay namin dahil sa kakulitan at likas na pagiging pang-asar,pasaway at maligalig.

32. Tatlong beses pa lamang akong nakakasabit sa dyip.

33. I was linked to a girl during my high school days. We studied in the same school. It started when she saw me in a mini play production inside the classroom. Ang klase nila ang audience. Second year classmate na kami at nagtuloy tuloy ang tween hearts drama hangang maka graduate. Hindi kami naging magbf/gf. We are just so close during those times. Now she is happily married with one son.

34. Mahina ako when it comes to financial management. Kuripot ako pero bakit hirap akong makaipon ng limpak-limpak!

35. Nanligaw ako ng babae sa edad na labing-isa. Kapitbahay namin siya. Ngayon dalawa na ang anak niya magkaiba ang ama at inaanak ko ang panganay niya.

36. Magaling akong mang asar, madali naman akong mapikon. Tatahimik na lang ako bigla pag pikon na ako.

37. Takot ako sa ipis. Lalo na pag lumilipad o kahit hindi pa lumilipad basta gumalaw na yung pakpak. Takbo na ako nyan.

38. Noon segurista akong tao,ngayon I'm trying to be a risk taker. Pero hindi nawawala ang matinding pag iingat.

39. Kaya daw dalawang bases na akong nahoholdap kasi mukha akong anak mayaman. Pero mas nakalalamang yung mukha akong aanga-anga.

40. Tita ko ang nagturo sa akin na huwag maging maluho iyon ang mga panahong nagsisimula akong mag-aral sa kolehiyo. Ito ang dahilan ng pagiging simple kong tao. Sa pananamit at maging sa materyal na bagay.

41. Ang kakulitan ko noong bata ay napunta lahat sa utak ko ngayon nasa hustong gulang na ako.

42. Nagpapababa ng self-esteem ko ang aking height. Buti na lang optimistic ako kaya inisip ko na lang na ang self-confidence ay nakakatangkad. Daanin na lang natin sa mukha!choz!Uber self-confidence na iyon. Masama na.

43. Ilang linggo bago ang aking ika-18 kaarawan natikman ko ang luto ng diyos na hinain ng kapwa ko.

44. Hindi mababaw ang luha ko. Pero pag dumaloy na ito. Ibang usapan na iyon.

45. Swimming, Table Tennis at Badminton ang sports ko.

46. Madasalin akong tao hindi nga lang halata o sinasadya konghindi ipahalata.

47. One of my passion is photography. DSLR na lang ang kulang sa akin. I'm on the go na! Highschool nang sinali ako sa photojournalism contest nagsimula ang hilig ko sa pagkuha ng larawan.

48.  Tahimik akong tao. Pero ayon sa mga taong malapit sa akin nasa loob ang kulo ko. Kung ikaw ang apoy na makapagpapapakulo sa akin,asahan mo ang aking pagiging kwela,kalog,adik at maging kaladian gayun din mga malalalim na emosyong bibihirang isiwalat. Ngunit ang aking pagkulo ay inaayon sa lugar,panahon at pagkakataon.

49. Awayin at gawan mo na ako ng masama huwag na huwag lang ang mga mahal ko sa buhay. Marami akong kilalang hitman.

50. Hindi ako takot magmahal. Tapat ako sa aking sinisinta. Ika nga "mas mabuti ng magmahal at mabigo kaysa hindi ka nagmahal kahit kailan."

Tampisaw sa Ulan





image here

Ulan, ulan, oh ulan..
 
Pagdating mo'y walang katiyakan
Pagtigil mo'y walang kasiguraduhan.

Hayaan mong ako'y magtampisaw
Sa lamig na hatid mo nawa lungkot ko ay pumanaw.

Minsan pang sa piling mo'y ayokong maligaw 
Sapagkat sa pagtila mo'y baka hindi ko na matanaw.

Ligaya kong iyong ninakaw
Sa iyo ko ipinagtampisaw.

Ulan, ulan, oh ulan..

Ibuhos mo't hindi na mapaparam
Pagdaralita nitong pita'y
Hindi ko na ikasusuklam.


Ulan..ulan..oh ulan..

 
Isang pagtatangkang maligo't maglaro minsan pa sa ulanan, 
gaya noong dati; isang paslit, musmos at walang kamuwang-muwang.

Raptyur

 Naging bukambibig ng karamihan noong nakaraang linggo ang balitang magugunaw na ang mundo Sabado May 21st. Natuwa ako sa sarili ko dahil parang wala lang ito sa akin. Marahil dahil sa aking naging orientation patungkol sa bagay na ito. 

  Kung ang pagbabatayan nga naman ang mga nagaganap sa ating paligid sa kasalukuyan, hindi malayong sumagi sa isip ng ilan na nalalapit na nga ang katapusan. Biyernes ko nalaman ang balita. Ako na ang huli sa balita!Sige na okay go!Earth kung magugunaw ka na go!

  Natapos ang araw bago umuwi ng bahay tambay muna at umangkas sa bangkaan ng tsismis. Wala akong napala sa tsismis kundi mamburaot ng fries. Pasado ala-una na ng madaling araw ng mapagkasunduan mag-uwian na. Sapat na ang mga impormasyong nalaman mula sa ibang tao dahil sa tsismisan.

 Habang sakay ng dyip isang text ang natanggap. Hindi ko ugaling magbasa ng text sa dyip, natrauma na mula sa dalawang beses ng naholdap. Maliban lamang kung importante talaga. Nakita ko ang pangalan kung kanino nagmula,hangang sa binabasa ko na pala ang text (ang kabuuan ng kwentong ito ay mababasa sa hiwalay na post [^^,]). Ngayon lamang sumagi sa isip ko na ang text niyang iyon ang maaring hudyat na nga na para sa kanya na bago man lamang magunaw ang mundo malaman ko ang bagay na iyon.

 Pag-uwi ng bahay tulog ang mga taong naabutan. Nag-ayos ng sarili. At dumungaw sa bintana. Pinaalalahan ng matalik na kaibigan na tuloy ang jogging kinaumagahan. Nagbukas ng laptop, browse browse, text text. Hanggang sa unti -unti akong nilamon ng antok.

 Ilang oras na tulog, ginising ako ng malakas na ulan (ayan na!the great flood part 2 na!) Biglang bangon agad hinanap ang cellphone at nagtxt. "Bes!Umuulan!Kainis!. Hindi natuloy ang jogging. Kaya para magpapawis nagwork-out na lang sa loob ng bahay a.k.a. labada. Tumila ang ulan,umaraw,uminit sakto sa pasasampay ng mga nalabhan.

 Isang munting tinig sa hindi kalayuan ang narinig. (oh my!angel of god!) "Kuya tuloy tayo sa Manila Zoo?" Ang pinsan ko lang pala. Aninag sa kanyang mukha ang excitement sa isasagot ko. "Oo,tuloy tayo!". "Yeheeeey!"

 Hapon na ng magpunta ng zoo. Nagkamali pa ng dyip na sinakyan patungong zoo. Lagpas isang dekada na an nakakalipas ng huli akong nagpunta ng manila zoo. Ito na pala ang Manila Zoo, okay! Hindi man ako labis na natuwa sa kalagayan ng hayo na tumambad sa akin, masaya pa rin akong makita ang mga pinsan ko na tuwang tuwa sa mga hayop na nakikita. Nakakatawa nga rin naman ang ilan. Sayang nga wala man lang lion puro tigers (oo tigers plural ang dami nila mga 3 pairs [^^,]).

 Hindi na rin kami nagtagal sa zoo. Matapos ang walang humpay na kodakan. Dumilim ang paligid. This is it!Napaliligiran kami ng hayop Noah's Ark Part 2 na ito! Sa takot na mabasa dahil isa lang ang dalang payong ng apat na taong nasa galaan. Nagmadali nang umuwi. Sa pagkakataong ito tama na ang dyip na nasakyan pauwi. Pagod na bumalik ng bahay, pinawi na lamang ito sa halakhakang dulot ng mga kuhang larawan.

 Walang naganap na kung anuman ng buong maghapon. Walang nahating lupa, matinding pagbaha, umulan ng apoy oh kung anoman worst case scenario. Gaya nga ng aking nalaman noon. Darating siya na parang magnanakaw walang nakakaalam. Marahil ni wala ring makakaramdam.

Tuloy lang ang buhay. Mananatiling matatag..minsan sinusubok ng mga pangyayari at pagkakataon..pero dapat kayanin..May magandang darating..Kahit sa huli.

        

Bagong Kabanata

 Nakakatuwang isipin na may mga bagay na sadyang hindi maipaliwanag. (Horror post ba ito?hehehe)

 Mahabang panahon na ang lumipas ng halos gulat ang aking gunita at hirap ang paghinga subalit mabilis ang tibok ng aking puso.

 Ipinipikit ko ang aking mga mata subalit hindi himbing ang aking diwa. Sabay sa bukang liwayway ang matinding sikat ng araw subalit manhid ang buo kong katawan.

 Muli na naman akong nilisan,ito ay hindi na bago makatatlong ulit na yata itong nangyari. 

 Sana hindi na namutawi sa aking mga labi na madali akong kausap. Na kung nais mo nang itigil ang ugnayan sabihin mo lang madali akong kausap.

 Ikinakalas na ang pagkakatali subalit sa simula mahigit pa rin ang aking kapit. Hanggang sa tuluyan nang lumaya sa himpapawid. Kung gaano ako kadalin kausap ganoon din yata ako kabilis makalimot. Ang gagawin ko lamang ay pupunan ng mga pagkakaabalahan ang aking isip. At ang aking puso ay nananatiling pumipintig. Naghihintay at hindi nawawalan ng pag asa.

 Ngunit sa gitna ng lungkot at pangungulila ay hindi mo talaga inaasahan na muling mababakas ang ngiti. Isang uri ng ngiti na bihirang masilayan ng kahit sino mula sa akin. Ang mga mata ay makakaramdam ng init mula sa sikat ng araw sa aking bawat pagmulat.

 Laking pasasalamat sa mga kaibigan,pamilya..at sa iyo..na mula sa lawak ng kawalan ay biglang darating ng hindi naman inaasahan.

 Hindi ko alam kung hangang kailan ang iyong pananatili,ngunit walang masama kung mananalangin at hilinging dito ka na lamang at hayaang ang bawat araw,oras at panahon ang gumabay sa akin at sa iyo.

 Ang tangi ko lamang alam sa ngayon ay muling namutawi ang ngiti sa aking mga labi,pumungay ang dati ay malamlam na mga mata,muling umalab ang pag-asa na masarap mabuhay magpatuloy lamang sa paglalakbay.



    

Me, Myself and I

 Kadalasan nagsisimula ang mga bagay sa pagpapakilala. Ito ang hindi ko nagawa ng magsimula akong mag blog. Ito marahil ang dahilan kaya hindi umusad ang aking blog (maliban sa katamaran at kawalan ng inspirasyon)

 Kaya sa muling pagsasanib ng mga titik at pagdaloy ng mga salita. Aking lalapatan ang unang pahina ng bagong kabanata ng mga bagay patungkol sa inyong lingkod. 

 Magsisilbi kong batayan ang naging popular na post ng ilang blogger (sikat na blogger) ilang buwan lamang ang nakakalipas. Ito ay ang "50" (limampung bagay tungkol sa iyong sarili). At dahil sa ako ay 25 taong gulang pa lamang na laging napagkakamalang menor de edad. Hahatiin ko sa dalawang bahagi ang 50. Maiba lang. :)

1. Isa akong certified at proud batang Tundo. Born and raise ika nga. Maswerte ako at hindi sa magulong bahagi ng Tundo napadpad ang pinagsanib na binhi ng aking mga magulang. Bagama't gayun nga Tundo pa din. Hindi mawawala ang thrills at adventure.

2. May lahi kaming instik at kastila ayon sa mga nakatatandang kamag-anak. Pero mas malaking porsyento ang lahing kayumanggi ang dumadaloy sa aming ugat at ito ang lahing Igorot.

3. Nagmula sa maliit na pamilya panganay at may isang nakababatang kapatid na babae. Itinuturing na bagong bayani sa panahon ngayon ang aking ina at sa isang paaralan naman empleyado ang aking ama.

4. HRM at MassComm ang kursong pinagpilian ko nung kolehiyo. May height requirement ang HRM hindi  na ako umasa,subalit nagulat na lang ako ang classmate ko nung high school mas maliit pa sa akin mukha pang halimaw (tawag namin sa kanya,ako kasi tiyanak) eh nakapasok.

5. Mass Communication talaga ang bagsak ko,hindi man katangkaran talented naman at pang TV bilang Broadcast Communication ang napili kong major. Sa likod nga lang ako ng camera. :)

6. Milk Chocolate Drink at Green Tea ang comfort drinks para sa akin.

7. Noong Elementary at High School lagi ako sinasali sa mga Mr. and Ms. ek ek siyempre ako yung panlaban sa male category. Kasi kung sa female panigurado ako lagi ang mag uuwi ng korona. :) Matangkad kasi ako tignan para sa isang elementary at high school noon. Nung nag college na ayun tumigil na ako sa pagtaas. Okay lang kasi lumaki naman ang ibang bahagi.

8. Comfort food ko naman ang champorado na madaming madaming madaming gatas. Powdered milk man o Evap basta gatas.

9.  Sa sobrang ligalig at kulit ko nung bata naisilid na ako sa sako at pinatayo sa labas ng bahay namin ng hubo't hubad. Hagulgol ako habang takip ng dalawang kamay ang aking kaselanan.

10. Mahilig ako sa gulay,huwag lang okra at yung bulaklak ng kalabasa. Sa mga prutas kaclose ko ang ponkan,orange,pinya,apples,grapes,pakwan,melon,strawberry.

11. Kapag may handaan spaghetti o kahit anong pasta dish ang lagi ko hinahanap. Tapos I really like pag madaming madaming cheese! Yung tipong mas marami pa ang cheese sa pasta. :)

12.Nanalo na ang ng isang title at first runner up sa pagsali sali sa mga pageant sa school noong Elementary at High School. Yung sash ko noon nakatabi pa pati yung trophy at yung stuff toy na trophy. :)

13. Ayaw ko ng makalat. I want all things in proper order. Iyong tipong kung saan mo kinuha dapat doon din ibabalik. Kahit hindi malinis basta hindi lang makalat. Hindi naman ako OC masinop lang talaga.

14. Nahilig akong magbasa noong dalawang taon kaming nasiraan ng TV hindi naipaayos sa kawalan ng perang pampaayo. Naalala ko sa bahay ng tita ko pa ako nakikinood. Sasakay ng jeep para marating ang bahay ng tita ko,nilalakad ko lang. Ilang nobela at kung anu anong  babasahin ang nabasa ko noon. Maganda ang naidulot kaya pinagpapatuloy ko hangang sa kasalukuyan. Ang maging palabasa.

15. Matakaw ako sa tubig kaya naman ihi ako ng ihi. Ayos na yung ganun bilang sakit sa bato ang sakit ng aming angkan. Prevention is better than cure sabi nga.

16. I don't smoke, I do drink occasionally, drugs never.

17. Maasahan ako pag dating sa gawaing bahay. Sinanay ako ng nanay ko bata pa lang ako. Ayon I'll grow up to be an ilaw ng tahanan pala. :) Pero pag paplantsa na ang pag uusapan medyo tagilid ako dyan.

18. Noong nag aaral ako kahit minsan hindi napatawag ang mga magulang ko sa school dahil sa may ginawa akong kalokohan. Bait baitan kasi ako marunong luminis ng kalat. Malinis trumabaho.

19. I don't know how to play any musical instrument. But I do appreciate music a lot. Kanit music lang at walang lyrics the melody and scoring itself ayos sa akin.

20. Bopols ako sa Math. Nagtuturo ang titser ko sa math ako naglilinis ng lababo sa loob ng classroom namin. Sa ibang subject okay naman ako huwag lang talaga sa kahit anong uring numero.

21. Hilig ko ang panunuod ng TV. Mini Series, Drama Series, Documentary, Reality TV etc. All time favorites are Encantadia, Extra Challenge, I-witness, CSI, Sex and the City, Survivor,Amazing Race at Fear Factor. etc. etc.

22.Mapili ako sa mga pelikulang pinanonod ko. Mainstream man o indie. Mga favorites are Little Mermaid, Hurt Locker, The Pianist, Saving Private Ryan, Forrest Gump, The Piano, Life is Beautiful at Schindler's List, LOTR, 500 Days of Summer, Beautiful Mind. etc. etc.

23. Hanga ako sa mga pelikulang gawa sa Korea,Mexico, Italy, France at Thailand.

24. Nag cameo ako (pinagandang tawag sa umekstra) sa isang indi film ni Direk Cris Pablo. Assistant Director ang classmate ko kaya nakapasok ako. May linya naman ako at close up shot kahit papaano.

25. Hindi ko pa nararanasan ng matulog ng hubo't hubad. Nakakatulog ng topless kaya pa. Dapat may unan sa paanan ko at kumot sa bandang tiyan.

Una pa lamang sa dalawang bahagi ng post na ito...