Flick List: Walang Wala: "Ang Babae sa Septic Tank"



 Sabado isang araw bago tuluyang magwakas ang Cinemalaya Film Festival para sa taong ito. Muli akong bumalik sa CCP bitbit ang mga tickets para sa dalawang pelikula na aking panunuorin ng araw na iyon.

 Maaga ng halos isang oras sa takdang screening ng unang pelikulang aking panunuorin ng dunating ako sa nasabing lugar. Ganoon pa rin, madaming tao at karamihan nga ay mga estudyante. Pagpasok sa unang palapag ng tanghalan ng kung anong enerhiya ang humatak sa akin patungo sa ticket booth.

"Teka!May ticket na ako eh!"

 At ng unti-unti akong papalapit sa ticket booth, napako ang aking tingin sa piraso ng papel na nakapaskil sa harap nito.

ADDITIONAL SCREENING
Ang Babae sa Septic Tank
Tanghalang Nicanor Abelardo
July 23,2011 12:45 PM

 Huminto ang paligid, tumahimik ang kapaligiran, tanging maririnig lamang ang kabog ng aking dibdib at ng lumaon ay isang hingang malalim. Tumama ang aking tingin sa mahabang pila sa ticket booth. Hindi ako dito pipila. Nagmamadaling umakyat sa  ikalawang palapag at nang masilip ang isang ticket booth doon na walang pila. "Thank God!" Hinihingal pa nang magtanong sa takilyera kung may ticket pa para sa nabanggit na additional screening.

"Meron pa!" bulalas niya habang nakatingin sa monitor ng PC at hawak ng kanang kamay ang mouse.

"Oh yes!!"    

"Ilan?"

"Isa po,estudyante!" patay wala pala akong dalang I.D. at hindi naman na ako talagang estudyante. Dahil ito sa kakuriputan ko.

 Tinitigan ko ang takilyera habang inihahanda ang ticket ko. Hinihintay kung hahanapan nya ako ng I.D. Hanggang sa iabot na niya ang ticket ko. Inabot ko ang 100 at agad naman akong sinuklian. Isang malayang bugtong hininga ang aking pinakawalan.

 At sa wakas nakatayo na ako sa isang napakahabang pila ng mga nais pang humabol at mapanood ang pelikula. Balewala na ang unang ticket na nabili ko para sa isa pang pelikula na sabay ng screening ng septic tank.

 "A movie within a movie." ganyan inilarawan ni Chris Martinez ang pelikulang kanyang isinulat. At ganoon nga ang aking naranasan sa simula pa lamang ng pelikula. Ayon nga sa synopsis ng pelikula. "Ang Babae sa Septic Tank" chronicles a day in the life of three ambitious, passionate but misguided film makers as they set out to make their dream movie."

 Ipinakita ng pelikula ang mga bagay na nagbibigay inspirasyon sa mga indie filmakers sa paggawa ng pelikula at kung ano ang kanilang mga ginagawa upang mapansin ang kanilang mga likha. Sa katulad kong aspiring film maker, kakaibang motivation at inspirasyon ang hatid ng pelikulang ito para sa akin.

 Hagalpakang walang patumangga ang dumagundong sa apat na sulok ng CCP main theater. May ilang bahagi sa pelikula kung saan gusto kong sawayin ang audience dahil tawa ng tawa sa napapanood nila sa screen. Eh ang ganda ng dialogue na binibitawan ng karakter!Hindi ko maintindihan mabuti! Irita lang! :)

  Pero nawawala ang inis ko pag si JM de Guzman na ang nasa screen. :) Si Kian Cipriano naman  parang nakikita ko lang ang sarili ko sa kanya sa karakter niya dito bilang direktor. At ang suki na sa mga pelikula ni Chris Martinez at Marlon Rivera na si Cai Cortez na gumanap bilang Production Manager. At dahil dream movie nga ito, dapat bigatin din ang cast,kaya ito ay walang iba kung di si Ms. Eugene Domingo. Comedy as its finest ang ipinakitang performance ni Uge dito, at hindi lang galing pagpapatawa ang ipinamalas niya dito maging ang husay niya bilang aktres.

  Hindi na ako masyadong magbibigay ng detalye patungkol sa pelikula. Para magkaroon naman ng thrill sa mga nais mapanood ito pag pinalabas na sa mga sinehan sa August 3,2011.

 "Walang Wala" ang title ng dream movie sa pelikulang ito. Sumagi sa isip ko na ang pelikulang ito ay tunay sumasalamin sa lipunang ating ginagalawan.

 Nananatiling kabilang ang Pilipinas sa hanay ng third world country sa timog silangang asya. Ibig sabihin malaki ang bilang ng mga tao na namumuhay na walang wala. Isang kahig, isang tuka. Kinakain ng kumukulong tiyan ang mismong bituka at kung minsan didighay subalit isang paa ang nasa hukay. Pero comedy ang pangkalahatang genre ng pelikula.

 Nangangahulugan lamang ito marahil na sa mga panahon na ang pangkaraniwang Pilipino ay walang wala, hindi nito nalilimutang ngumiti, isantabi panandalian ang dagok na pinapasan at tignan ang buhay sa positibong pananaw.

Shorts

 Hindi kumpleto ang aking Cinemalaya experience every year kung hindi ko mapapanood ang mga entries sa Short Film Category. Nagkakaubusan man ang ticket sa ilang Full Length Film mapalad ako at nakakuha pa rin ako ng ticket para sa screening ng Shorts.

 Narito ang ten finalist for this years Short Film Category.

DEBUT
EVERY OTHER TIME
OLIVER'S APARTMENT
HANAPBUHAY
HAZARD
SAMARITO
IMMANUEL
UN DIU T A Y MUNDO
NINO BONITO
WALANG KATAPUSANG KWARTO




See The Unseen

 Bukas na ang pagsisimula ng ika-pitong taon ng Cinemalaya Film Festival. Ang Gala Opening ay gaganapin sa Cultural Center of the Philippines sa ganap sa ika-anim ng gabi.  Ang pelikula ni Laurice Guillen na Maskara ang siyang opening film sa taong ito. See the Unseen.



Narito ang ilan sa mga pelikulang pumukaw ng aking atensyon.

ANG BABAE SA SEPTIK TANK
 Bilang isang idolo ko pagdating sa comedy ang bida. At hindi ko kinaya ang dialogue niya sa TRAILER ng pelikula. "Itong sex scene na may actual penetration,check na check!Gagawin ko lahat. Huwag nyo naman akong palusungin sa tae!
ANG SAYAW NG DALAWANG KALIWANG PAA
Tahimik muna ako sa pelikulang ito. Basta gusto ko ang naunang pelikula para sa Cinemalaya ng direktor nito sa si Alvin Yapan. Kakaiba! Narito ang TRAILER.

LIGO NA U, LAPIT NA ME
Ang paglalarawan ng isang naiibang paraan ng pagmamahal. Hinabol ko talagang mabasa ang aklat nito. Ako na ang taong watching-movies-based-on books. Narito ang PATIKIM.

BUSONG
Maliban sa ang isa sa pinaka paborito kong aktres ang pangunahing karakter sa pelikula. Aureus Solito ang direktor at napabilang sa 2011 Cannes Film Festival Director's Fortnight ang pelikula. Ito po ang TRAILER.

PATIKUL
 Salamat at may isa pang Joel Lamangan na lumilikha ng obrang  pampelikula na tumatalakay sa usaping kadalasan ay tinatalikura ng iba. Malalim at makabuluhan ang mensahe ng pelikulang ito. Narito ang TRAILER.

Ang Cinemalaya screening ay magsisimula sa ika 16-24 ng Hulyo. Sa CCP at Greenbelt. Sa mga manunuod sa CCP this weekend hope to see you there! ;) Para sa iba pang detalye ng lahat ng pelikulang kasali at sa mismong event narito Cinemalaya.

Kaya Mo Yan!

"Growing up with Olympic energy!Growing up with Milo!..Milo everyday!"

 Kilalang advertising jingle ng isang sikat na produktong inumin, ang Milo. Bata pa lamang ay nadampian na ng tsokolateng matamis na inuming ito ang aking mga labi. Naalala ko pa na sa halip na gatas ang laman ng aking dede (feeding bottle) ay kulay brown ito, kasi nga Milo. At hindi ko rin mapigilan ang papakin ito na parang candy lang.

 Nang kalaunan naging mapili ang aking panlasa kung kaya pinaghahalo ko na ang gatas at Milo. Anumang paraan ng pagtimpla malamig o mainit pasok sa panlasa ko. Hindi lamang pangkaraniwang inumin ang Milo na nagmula sa kumpanyang Nestle Philippines. Sa mga patalastas nito, madalas maging tema ang sports at kabataan  na siyang target audience ng produkto. At bilang binansagan itong energy drink isa sa mga slogan nito ay "Bring Out The Champion In You!"

 Noong nakaraan taon inumaga na akong umuwi kasama ang mga kaibigan mula sa gimikan nang mapansin ko ang mga taong may suot na green official Milo marathon singlet. "Cool!" bulalas ko. Gaganapin din pala sa araw na iyon ang 34th National Millo Marathon. Habang sinusulyapan ang mga kasabay namin sa jeep na kasali sa takbuhan. Sinabi ko sa aking sarili "Next tyear, tsatsali ato dyen!" (baby talk?)

 Hindi lamang ordinaryong  "fun run" ang Milo marathon. Dahil ang mga nalilikom na salapi mula sa mga registration fees ay mapupunta sa mga batang walang magamit na sapatos. Sampung libo mahigit na pares ng sapatos/rubber shoes ang target ng Milo sa taong ito. Katumbas ng 10,000 pares ng sapatos ay ang katuparan ng mga pangarap at pagpupursiging maabot ito ng10,000 kinabukasan ng bayan.

 Sa July 31 gaganapin ang Milo Marathon ngayong taon. Akala ko July 6 ang huling pagpaparehistro para sa nasabing fun run. At dahil hindi nagtugma ang schedule ko hindi ako nakapagparehistro. Laking gulat ko na lamang hapon nitong nagdaang linggo ng hapon habang nanunuod ako ng dvd ng animated film na Rio biglang tumawag si bes.

"Hello teh!"
"Hello bes!Nasaan ka?!"
"Nasa bahay."
"Nakapagregister ka na?"
"Register saan?!"
"Sa Milo keme!"
"Hindi!Eh wala naman akong kasama. Sabi mo may kembot ka sa katapusan!Deadline na kaya ng registration last Wednesday!"
"Tangek!Meron pa nakapagparegister ako kanina!"
"Weeh!!"
"Plangak!!"
"Sa ilang kilometers ka nagregister?May 5k pala bes!100 lang."
"Sa 10k ako nagparegister,wala nang slot sa 5k kaya go ka na!"
"Saan ka nagparegister nga pala?"
"Sa SM San Lazaro."
"Sa Toby's?"
"Taaahmaaah!Kaya go ka na!Kasama ko nagparegister classmate ko nung highschool."
"Kakainis ka!Go!Gora ako!"
"Gooooh!!!"

  Matapos ang usapan nagmadali akong nagpunta sa SM San Lazaro. Buti na lang at hindi ito kalayuan mula sa aming lugar. Habang sakay ng dyip nagtext ang bes na huwag kong kalimutan magdala ng pack ng Milo. At wala akong dala. Kaya tinext ko si bes para tumawag ulit.

"Bes ilang grams ang Milo pack na binigay mo?"
"Keri na kahit yung maliit lang."
"Wala namang ID na ipapakita?"
"Witches na!Katawan ko pinakita ko!hahahaha!"
"Oh well!Ok go!Malapit na akiz."

  Kaya sumugod muna ako sa grocery upang bumili, dahil kahit ilang grams naman ay tinatanggap binili ko na ang 80g. Matapos ay sumugod agad sa Toby's. Walang ibang nakapila kaya hinarap ko agad ang babae sa registration booth. Binati at nginitian ng ngiting pang beauty queen.

"Magpaparegister po."
"Yes sir, ano pong category?"
"May 5k pa ba?"
"Ay!stop na po ang registration sa 5k." (sad face si ate)
"Ah ok sige (baka umiyak ka pa diyan) 10k!"

  Inabot ang registration form. Nakita ko sa gilid ang mga pack ng Milo. Lahat ito walang laman. Habang sinusulatan ang registration form tinanong ko kay ate kung pwede na iyong Milo pack na ibibigay ko ay may laman.

"Okay lang sir!"
"Salamat!Timplahin mo na lang muna hehehe." (tambling si ate)

  Mabilis ang mga sumunod na nangyari Matapos ko sulatan ang registration form tinanong agad ako ni ate kung ano ang size ko para sa singlet. Ipinakita ni ate sa akin ang small, masyadong maliit. Sumunod ang medium, mas ayos ito hindi gaanong fit tama lang. At kasunod na ring ibinigay ang racing kit. Nagtataka naman ako at hindi na kinuha ni ate ang Milo pack ko. Tinanong ko kung kukunin pa, hindi na raw. Nahiya na siguro. Agad akong nagpasalamat at umuwi na. Pauwi ipinaalam kay bes na tapos na akong magparegister.

"Bes!I'm done!" nagreply siya at tinanong kung nagbigay ba ako ng Milo pack.
"Hindi na ako kinuhaan!Dinaan ko sa ganda!hahaha!"
"Puki mo!"

 Kaya sa nalalapit na 35th National Milo Marathon kabahagi na ako. Isa sa mga wishlist ko this year ay maisasakatuparan. Excited ako sobra. Pag-uwing pagka uwi sinukat ko agad ang singlet. Pasok sa banga! Maayos at maaliwalas akong makakakilos.












 Hindi biro ang sampung kilometro lalo na sa first timer na kagaya ko. Pero hindi naman for competition talaga ang goal namin sa pagsaling ito. "Fun Run" nga lang talaga, experience at exercise na din. Ang pinakamahalaga naman talaga ay ang makatulong kahit sa simpleng paraan. Siguro kung may isang tao na maghihintay sa akin sa finish line, bakit hindi! LOL honglondi lang ;) Sabi nga sa nakasulat sa likod ng singlet.







At kung maykagayon nga at may nag aantay sa akin sa finish line naku!Kakayanin ko talaga!Buwis buhay at tiis ganda na ika nga. :)

  Hindi lamang sa larangan ng sports maaring maging 'Champion'. Hangga't may pangarap kang nais makamit. Ano man ito, gaano man kahirap sa tulong ng sipag, tiyaga at pananalig sabayan mo pa ng isang basong Milo tiyak tatanghalin kang champion. (Ako na ang endorser ng Milo!hahaha Hello!Nestle Phils.!One year supply ng mga Nestle products okay na ako.hahaha Okay lang din sa akin kung irerenew ang contract!lols!)

 Masasabi kong hindi ganoon kadami ang sapatos ko. Subalit kahit papaano mayroon akong naisusuot at kung masira man ito may nakalaang kapalit. Kaya ang bawat hakbang at pawis na tatagaktak mula sa akin ay hindi lamang makapagpapabawas ng aking timbang, bagkus para ito sa isang batang may pangarap, isang batang nais ng magandang hinaharap






Kaya Fun!Fun!Fun!Let's Run! :)

Tinig sa Pinilakang Tabing: Bright Star





I still don't know how to work with poems.

A poem needs understanding through the senses. The point of dividing into a lake is not immediately to swim to the shore but to be in the lake, to luxuriate in the sensation of water. You do not work the lake out, it is an experience beyond thought. Poetry soothes and emboldens the soul to accept the mystery.



I had such a dream last night. I was floating above the trees with my lips connected to those of a beautiful figure for what seems like an age. Flowery treetops sprung up beneath us and we rested on them with the lightness of a cloud.

Who was the figure?

I must have had my eyes closed because I can't remember.

And yet you remember the treetops.

Not so well as I remember the lips.

Whose lips? Were they my lips?


BRIGHT STAR
Pelikula ni Jane Campion

SMS: Iwan

(ikalawang bahagi)

(ang unang bahagi)

Matagal bago ang sumunod mong reply
Inabot ng mga labinlimang minuto
Maya't maya ang silip sa cellphone na nasa bulsa
At sa muling pagsilip, may mensahe mula sayo
At dahil nasa tabi ako ng tsuper
Walang takot ko nang inilabas ang cellphone
At binasa

"u know wat, kung meron man aqng isang pagkakamali, un ung iwan kita..haist..ewan q b.."

Huminga ako ng malalim
Itinago muli ang cellphone sa bulsa
Gusto ko sanang sabihin sa tsuper ng dyip na "Manong ihinto mo sandali!(hihinga lang) Sige po andar na ulit tayo!"
Pero hindi tuloy tuloy ang byahe
Isang oras ang byahe, buti na lang hindi ako naiinip pag mahaba ang byahe

Isang oras na sakay ng dalawang dyip at tatlumpung minutong paglalakad
Nakauwi na sa wakas
Inayos ang sarili,maging ang mga dalang payong,id at cellphone
Dumungaw sa bintana tangan ang cellphone
Itatapon ang cellphone?hindi!lumang model na nga itatapon pa

Hindi ko alam kung ano ang tamang tugon sa mensahe na nabasa ko mula sa iyo
Nilamon na nang ganda ko ang utak ko,echoz!
Ang tangi lamang naitipa ng mga daliri ko sa keypad ay

"everything happens for a reason"

Message sent

Walang amor
Walang kilig
Di na tulad ng dati

Tinangka ko pa noong ipaglaban
Ngunit sanabi mo magkakasakitan lang
Kunsabagay masakit nga naman ang may kahati

Nasa huli nga ba ang pagsisi?
Ako,wala akong pinagsisisihan
Hindi ko kailanman pagsisisihan ang magmahal