October Photo A Day Challenge


  I wasn't able to publish a photo a day based on the title of the challenge,it should be like one photo a day. Still I did take photos and decided to post it today, the last day of the challenge. There are thirteen photos left. From October 19-31st.


Oct.19 
DINNER TIME

A dinner treat with my beschums. Gusto ko talaga ang gulay at mga dahun-dahon.

Oct.20
4 O'CLOCK

Cake craving!Miryenda time!

Oct.21
CALM

Ang green tea with brown rice at ang shabby chic mug.

Oct.22
IN YOUR TOWN

Lucky China Town Mall in Binondo. Cute and classy place!

Oct.23
THE VIEW FROM HERE

Loveteam!

Oct.24
WEATHER

Cuddle weather!

Oct.25
PEOPLE

Public transpo

Oct.26
LISTENING TO

Setting the mood for the season!

Oct.27
MORNING

Makopa on its tree,a morning sighting. 

Oct.28
LOOKING BACK

A walk in the seashore memoirs.

Oct.29
MOON

Feeling ko crater ng moon ang wall decor na ito sa isang resto.

Oct.30
CLOTHES

Inside the cabinet.

Oct.31
WHATEVER YOU PLEASE

Spread your wings and fly!

 Thank you to fatmumslim for this inspiring photo a day challenge. It makes me appreciate the beauty of small things that surrounds me. More pictures,more stories to come! Try mo din! 

Red



"Red is obviously such a stimulating color, and it has so many connotations." 
P.J. Harvey

Im thankful for,Light and Angle


I'm thankful that my father recovered from an almost mild stroke that happened three weeks ago. This is the bicycle he use when he go to work. Ilang linggo rin na hindi ginamit. 


Ang larawang ito ay kuha sa Fort Santiago last summer. Ipinasyal ko ang aking mga pinsan sa makasaysayang lugar na ito. At ako ay nag-inarte sa tabi ng ilaw.
 

Attraction of the Opposite

Shadow



feathers dancing wild

music is the wind pounding

to the sky screaming

This happened today



"Behind this mask there is more than just flesh. Beneath this mask there is an idea... And ideas are bulletproof." 
V,Alan Moore

Lunchtime


Hindi ko na nahintay ang one hour lunch break, sinimulan ko nang kainin ang baong pagkain sa aking thirty minutes break. Gutom na eh!

Where you stood



 It's Korean's Thanksgiving Day (Chuseok) today. Walang pasok sa trabaho. I cooked lunch, therapeutic indeed. I took the chance to photographed the kitchen floor. 

Bagong Bihis


It's been a while! It's been a long...long...long while! ^_^

 Ang bilis magdaan ng bawat araw. Laos ka kung hindi mo ito namamalayan. Maraming nagbago, maraming bago at marami pa ang pagbabagong darating.

 Inspirasyon.

 Ito ang nagbigay sa akin ng daan upang magsimulang mag-blog. Inspirasyon mula sa mga bloggers na una kong nabasa. At sa isang tao na maituturing na nagsilbing inspirasyon. Tumigil man sa pagsulat sa blog ang ilan sa mga hinahangan kong bloggers at naglaho na rin ang siyang naging inspirasyon noong una. Itinuloy ko pa rin ang pagba-blog. Dahil na rin sa hilig. Sa hilig kong sumulat. Sayang naman kasi ang mga butil ng kaalaman na natutunan ko ng minsang maging bahagi ako ng journalism class at school newspaper noong Elementary at High School. Ako pa naman iyong tipo ng tao na kung hindi maibulalas ng aking mga labi ay hinahayaan ko na ang mga titik ang siyang magsambit.

 Hindi dahil sa wala akong magawa kaya muling tumipa ang mga daliri ko sa keyboard ng computer at nagsimulang bumuo ng salita at ideya, bagkus dumating sa punto na mayroon sa akin na hindi dapat sayangin. Mayroon akong mga hilig na dapat linangin. Mayroong mga pangarap na nais matupad. At may samu't saring damdamin na kailangang isiwalat.

 Gaya ng mga karakter na nahimbing sa mahabang panahon, muli ako'y gumising. Wala mang mahiwagang halik o sumpang binali. Nguni t dahil sa mga inspirasyon at nag-aalab na naisin ay muling bumangon..at muli ay magsasalaysay.

Maikli

Unang beses ko na dumalo sa isang 'eye ball' na kung saan higit sa isang tao ang aking kakatagpuin. Pagpupugay sa nakita at nakadaupang palad kong makukulay na tauhan sa bahaghari. GYas, NateDaemonNox, Jay, JerroJap at Drew. Sa uulitin! *flying kisses*

***

"Musta ang Vday?" 

"Wala naman.working."

"Walang date?"

"Wala eh."

"Ayun oh!Cute tapos walang date!"

"Eh ganun talaga."

 Ang araw ng mga puso ngayong taong ito ay isang pangkaraniwang Martes para sa akin. Naisip ko kung sakaling magparampam muli si Kupido. Ang bawat sandali sa tatlong daan animnaput limang araw ay gagawin kong araw ng mga puso. Aaayyiiieee! Say cheeeessseeee!!! ;)

***

 "Fireworks Display/Pyrotechnics" ang isa sa mga kinagigiliwan kong panoorin. Makalipas ang isang taon muli kong nasaksihan ang makukulay na 'fireworks display' na tila umiindayog sa saliw ng musika. Noon hindi ako mag-isang nanood,ngayon may kasama pa rin naman akong nanood. Ang aking nakababatang kapatid na babae at ang kanyang jowawi. Sila na ang sweet-sweetan! Sabay sa pagsabog ng makukulay liwanag sa kalangitan.

***

 Hindi maikli ang bahaghari. Sa haba nito marami pang iba't ibang kulay na kuwento at karakter na siyang bumubuo dito. Nawa'y makahalubilo ko pa ang ilan sa mga ito. 

 Gaano man kaikli ang pana ni Kupido. Tatagos ito sa kaibuturan ng iyong puso at maging ng iyong kaluluwa. Hindi upang masaktan bagkus maging matapang,matatag at maligaya sa piling ng taong pinakamamahal.

 Saglit man ang humigit kumulang dalawampung minutong pag-indayog ng makukulay na liwanag sa himpapawid. Mananatili ang buwan at mga bituin. Mawala man ang ilang tauhan sa pahina ng iyong buhay,mayroong mananatili magpakailanman.

 Kay bilis at isang buwan ng Pebrero na naman ang nagdaan. Ngunit gaya ng ibang nagdaang buwan. Mananatili ang mga alaala.

Anyare na!

 Nakakagulat naman
 na kahit 
halos mag-iisang buwan 
ng hindi ako nakakapag-post
sa blog kong ito
 ay may pagdagdag 
na nagaganap sa mga followers. 


Salamat!


 I turned 26 this month. Bente Sais. Sabi ng isang malapit na kaibigan,sa ganitong edad dapat mayaman na tayo. Sabi ko "Oo mayaman na tayo!Hindi nga lang sa materyal na bagay kundi sa mga taong nagmamahal!At sa ganda!Char!". at nauwi sa kwelang kabadingan ang usapan.

 Isa sa mga puntirya ko (paumanhin sa paggamit ng lenggwaheng balbal na pangtambay) sa taong ito ay may temang "Sexy@26". Ayun na tama na ang pasweet image. Sa mga susunod na profile pics eh hindi lang mukha pati katawan kasama na!Nyahahaha!At syempre para na rin sa ikalulusog ng katawan. Ika nga kalabaw lang ang tumatanda.

 Sunod ay ang gumala/travel,hindi ko ito masyadong nagawa noong nakaraang taon,tamang tama at lalabas na soon ang makakasama kong magiging saksi sa mga lugar na aking pupuntahan,bagay na tutuklasin at mga taong makikilala. Ito na talaga!

 At sana marami muling makilalang bagong kaibigan. Sakto na muna ito para ngayon,hirap din ng maraming iniisip,hinay-hinay lang lasapin ang bawat sandali. Angkinin ang bawat oras na nakalaan. Dumating man ang mga bagay na hindi kaaya-aya. Manatiling manalig at magpasalamat.