Maikli

Unang beses ko na dumalo sa isang 'eye ball' na kung saan higit sa isang tao ang aking kakatagpuin. Pagpupugay sa nakita at nakadaupang palad kong makukulay na tauhan sa bahaghari. GYas, NateDaemonNox, Jay, JerroJap at Drew. Sa uulitin! *flying kisses*

***

"Musta ang Vday?" 

"Wala naman.working."

"Walang date?"

"Wala eh."

"Ayun oh!Cute tapos walang date!"

"Eh ganun talaga."

 Ang araw ng mga puso ngayong taong ito ay isang pangkaraniwang Martes para sa akin. Naisip ko kung sakaling magparampam muli si Kupido. Ang bawat sandali sa tatlong daan animnaput limang araw ay gagawin kong araw ng mga puso. Aaayyiiieee! Say cheeeessseeee!!! ;)

***

 "Fireworks Display/Pyrotechnics" ang isa sa mga kinagigiliwan kong panoorin. Makalipas ang isang taon muli kong nasaksihan ang makukulay na 'fireworks display' na tila umiindayog sa saliw ng musika. Noon hindi ako mag-isang nanood,ngayon may kasama pa rin naman akong nanood. Ang aking nakababatang kapatid na babae at ang kanyang jowawi. Sila na ang sweet-sweetan! Sabay sa pagsabog ng makukulay liwanag sa kalangitan.

***

 Hindi maikli ang bahaghari. Sa haba nito marami pang iba't ibang kulay na kuwento at karakter na siyang bumubuo dito. Nawa'y makahalubilo ko pa ang ilan sa mga ito. 

 Gaano man kaikli ang pana ni Kupido. Tatagos ito sa kaibuturan ng iyong puso at maging ng iyong kaluluwa. Hindi upang masaktan bagkus maging matapang,matatag at maligaya sa piling ng taong pinakamamahal.

 Saglit man ang humigit kumulang dalawampung minutong pag-indayog ng makukulay na liwanag sa himpapawid. Mananatili ang buwan at mga bituin. Mawala man ang ilang tauhan sa pahina ng iyong buhay,mayroong mananatili magpakailanman.

 Kay bilis at isang buwan ng Pebrero na naman ang nagdaan. Ngunit gaya ng ibang nagdaang buwan. Mananatili ang mga alaala.