Showing posts with label kwentuhan sa harap ng tindahan. Show all posts
Showing posts with label kwentuhan sa harap ng tindahan. Show all posts

I-social




 I just want to share an argument I read between a man and a woman about teens poor social skills in their country.  


Man: Technology is great, but I fear that it has brought about the end of conversation.

Woman: Not at all. If anything, technology has advanced communication even further. Society’s needs have changed over the course of the millennia and with those needs, conversation and the tools to facilitate conversation must also change.

Man: I think that technology like radio, television, the Internet, I-pods and texting have impacted the decline of conversation for many people. Communication is now done through artificial support systems like email, cell phones, computerized messages and answering machines.

Woman: Communication doesn’t always mean words. As societies grow more complex, people invent new ways of conversing. Languages grow and change along with the people.

Man: I don’t like it. Today our language is evolving into tweets, texts and symbols. Conversing with words is becoming obsolete. People need to bring back conversation skills and not depend on the Internet and cell phones for expressing our thoughts and feelings.

Woman: New technologies, when combined with the linguistic changes, often come to be viewed as threatening to conversation and relationships by those who do not learn to understand them.

Man: That does not deny the fact that technology has given rise to less conversation. People turn on the television and tune out their families and friends. Young people put on head phones and get lost in their music or games avoiding as much contact and conversation as possible.

Woman: Through technology, conversation simply has evolved into many different forms. We are now able to communicate in several different mediums as opposed to years past.

Man: People have forgotten what it means to simply converse. The art of actual face-to-face conversation is becoming primitive.

Woman: As long as people continue to walk the planet Earth, there will always be conversation happening in some form and language, probably involving the use of a technology to keep happening.



 To whom do you agree? The man's opinion or the woman's opinion? Or maybe do you have your say in regards to this issue? ;)



Lumayo ang Araw sa Tag-init

If there's one thing I'm surprised I can do quite well, its detaching.

Kaiba ako noon sa mga pangkaraniwang bata. Na pag-iniiwan ng magulang ay nag iiyak. Hindi naging problema ng magulang ko nung unang pasok ko sa paaralan. Ang classroom sa halip na boses ng teacher  na nagtuturo ang maririnig mo ay iyakan ng mga bata. Madilim rin ang silid dahil natatakpan ng mga magulang na nakasilip sa bintana ang liwanag. Ako tahimik lang sa sulok naglalagay ng lipgloss. (lipgloss??!nursery?kerengkeng na bata!choz!LOL)

Dahil sa pagiging abala din ng aking magulang sa paghahanapbuhay naiiwan kami sa pangangalaga ng kasambahay. Dahil hindi nga ako iyakin maliban lamang pag pinapalo lang talaga ako sa sobrang kasutilan eh ang kasambahay ang trip kong paiyakin. (bratinela much!) Pero naaalala ko isang bases na umalis ang tita ko para bumalik ng probinsya matapos magbakasyon. Nakaramdam ako ng lungkot. Ugaling pinapatulog ang mga bata sa tanghali sa napakadaming kadahilahan. Kung pagtangkad ang isang dahilan naku nagtulog-tulugan lang pala ako. Pagkagising ko nakaalis na si tita, bumangon ako at lumabas ng bahay. Kakatila lamang ng ulan. Lumabas ako malapit sa kalsada at naupo yakap ang aking tuhod nakatingin sa malayo. Sa pagkakataong ito nakaramdam ako ng lungkot. Subalit hindi ako umiiyak o humahagulgol tulad ng ibang bata. Ngunit makikita sa aking mga mata ang pangungulila, ang pagnanais nito na sana huwag muna umalis si tita.

Sa mga nakalipas na taon kung iisa isahin ang mga bagay patungkol sa usaping letting go na kaugnay ang pag-ibig .Mga apat na beses ko na itong nagawa. Dalawa dito ay masasabi kong summer love (Naks!lakas maka teenager!) na naganap noon isang taon at ang isa ay kamakailan lamang.(hindi na nadala,pero sabi nga ('one is enough two is too much three is a crowd' pak!LOL) Nahirapan ako lalo na sa unang beses kong magpalaya. Five years na rin pala ang lumipas mula noon. Subalit sa mga sumunod ay hindi na ako masyadong nag struggle. Marahil dahil na rin siguro sa iba't iba ang istorya ng bawat isa ngunit sa kalaunan ay tutuldukan din.

Hindi naman maiiwasang masaktan, kasabay pa ang pakiramdam na resentful at confused. Pero sabi nga magsasara ang pinto pero may bintanang maaring buksan upang makahinga ng maluwag at muling maaninag ang liwanag. Nandyang nasambit ng aking labi sa unang pagkakataon na 'hindi ko yata kaya..ang hirap'. Subalit sa mga sumunod na karanasan mas pinili ko na sa aking palagay ay isang maginoong pamamaraan ang itikom ang aking bibig. Dahilan na rin ito sa mga paraan na ginawa ng nakalipas upang tapusin ang namamagitan. Ako na ang nilisan sa paraang ikinasangkapan ang bagong teknolohiya.  Walang saysay, walang katuturan, kaya hindi na dapat pag-aksayahan pa ng oras.

Natapos na muli ang tag-araw. Ngunit nanatiling maalinsangan sa aking lupang tinubuan dahil sa tropikal nitong klima. Madali naman itong mapapawi ng mga kalat kalat na pag-ulan na siyang hudyat ng bagong panahon.

Sa kasalukluyan isa akong bakal na muling kinalas sa inaakalang mahigpit nitong pagkakakapit. Gaya noong musmos pa lamang ang bakal madali itong kumalas hindi naging madali. Subalit hindi naman maaring manatali ang bakal doon hangang sa kalawangin at mawalan na ng halaga.

At dahil kaiba ang bakal sa karamihan nadadala ito ng hangin. Malayang sumasayaw na tila alon sa ihip ng hanging habagat. Muli itong maghihintay, mangangarap, mag-aabang, mananalingin na nawa'y sa susunod na pagkapit maging ang kalikasan o sinumang nilalang  ay mahihirapan itong ikalas.

Lumayo man ang araw sa nakalipas na tag-init. Hindi ito titigil sa pagsikat. Patuloy na magliliwanag at magsasabog ng walang hanggang kaligayahan.

Raptyur

 Naging bukambibig ng karamihan noong nakaraang linggo ang balitang magugunaw na ang mundo Sabado May 21st. Natuwa ako sa sarili ko dahil parang wala lang ito sa akin. Marahil dahil sa aking naging orientation patungkol sa bagay na ito. 

  Kung ang pagbabatayan nga naman ang mga nagaganap sa ating paligid sa kasalukuyan, hindi malayong sumagi sa isip ng ilan na nalalapit na nga ang katapusan. Biyernes ko nalaman ang balita. Ako na ang huli sa balita!Sige na okay go!Earth kung magugunaw ka na go!

  Natapos ang araw bago umuwi ng bahay tambay muna at umangkas sa bangkaan ng tsismis. Wala akong napala sa tsismis kundi mamburaot ng fries. Pasado ala-una na ng madaling araw ng mapagkasunduan mag-uwian na. Sapat na ang mga impormasyong nalaman mula sa ibang tao dahil sa tsismisan.

 Habang sakay ng dyip isang text ang natanggap. Hindi ko ugaling magbasa ng text sa dyip, natrauma na mula sa dalawang beses ng naholdap. Maliban lamang kung importante talaga. Nakita ko ang pangalan kung kanino nagmula,hangang sa binabasa ko na pala ang text (ang kabuuan ng kwentong ito ay mababasa sa hiwalay na post [^^,]). Ngayon lamang sumagi sa isip ko na ang text niyang iyon ang maaring hudyat na nga na para sa kanya na bago man lamang magunaw ang mundo malaman ko ang bagay na iyon.

 Pag-uwi ng bahay tulog ang mga taong naabutan. Nag-ayos ng sarili. At dumungaw sa bintana. Pinaalalahan ng matalik na kaibigan na tuloy ang jogging kinaumagahan. Nagbukas ng laptop, browse browse, text text. Hanggang sa unti -unti akong nilamon ng antok.

 Ilang oras na tulog, ginising ako ng malakas na ulan (ayan na!the great flood part 2 na!) Biglang bangon agad hinanap ang cellphone at nagtxt. "Bes!Umuulan!Kainis!. Hindi natuloy ang jogging. Kaya para magpapawis nagwork-out na lang sa loob ng bahay a.k.a. labada. Tumila ang ulan,umaraw,uminit sakto sa pasasampay ng mga nalabhan.

 Isang munting tinig sa hindi kalayuan ang narinig. (oh my!angel of god!) "Kuya tuloy tayo sa Manila Zoo?" Ang pinsan ko lang pala. Aninag sa kanyang mukha ang excitement sa isasagot ko. "Oo,tuloy tayo!". "Yeheeeey!"

 Hapon na ng magpunta ng zoo. Nagkamali pa ng dyip na sinakyan patungong zoo. Lagpas isang dekada na an nakakalipas ng huli akong nagpunta ng manila zoo. Ito na pala ang Manila Zoo, okay! Hindi man ako labis na natuwa sa kalagayan ng hayo na tumambad sa akin, masaya pa rin akong makita ang mga pinsan ko na tuwang tuwa sa mga hayop na nakikita. Nakakatawa nga rin naman ang ilan. Sayang nga wala man lang lion puro tigers (oo tigers plural ang dami nila mga 3 pairs [^^,]).

 Hindi na rin kami nagtagal sa zoo. Matapos ang walang humpay na kodakan. Dumilim ang paligid. This is it!Napaliligiran kami ng hayop Noah's Ark Part 2 na ito! Sa takot na mabasa dahil isa lang ang dalang payong ng apat na taong nasa galaan. Nagmadali nang umuwi. Sa pagkakataong ito tama na ang dyip na nasakyan pauwi. Pagod na bumalik ng bahay, pinawi na lamang ito sa halakhakang dulot ng mga kuhang larawan.

 Walang naganap na kung anuman ng buong maghapon. Walang nahating lupa, matinding pagbaha, umulan ng apoy oh kung anoman worst case scenario. Gaya nga ng aking nalaman noon. Darating siya na parang magnanakaw walang nakakaalam. Marahil ni wala ring makakaramdam.

Tuloy lang ang buhay. Mananatiling matatag..minsan sinusubok ng mga pangyayari at pagkakataon..pero dapat kayanin..May magandang darating..Kahit sa huli.