Showing posts with label frend. Show all posts
Showing posts with label frend. Show all posts

Stargazer



Sa mundong ginagalawan ko,
Kagaya mo'y isang paru-paro sa parang.
At ako ang bulaklak.

Magpapalipat-lipat ka sa iba't ibang bango at ganda upang mabuhay.

Ako'y isang bulaklak,maghihintay sa iyong pagdapo.

Sapat na at sobra pa, na marahuyo ako sa sarili kong ganda at bango.
Upang manatiling namumukadkad hindi para sayo
Kundi sa isang nilalang na kukupkop sa natutuyo kong talulot.

 (mula sa isang kaibigang makata ng minsang kami ay magka-ututang dila)

 (ang paboritong bulaklak ni frend ang stargazer)