Showing posts with label eksenasabuhay. Show all posts
Showing posts with label eksenasabuhay. Show all posts

Life on Screenplay: Punla

INT. KWARTO SA  ISANG RESORT - NIGHT


Tahimik ang paligid, tanging tunog ng aircon ang maririnig.

Makikitang magkakatabi sa kama ang beschums na sina JEN, JUL at JOS.

Napapagitnaan ng dalawang lalake ang babae. Nasa kanan ni Jen si Jul at nasa kaliwa naman si Jos.

Balot ng sariling kumot si Jul. Gayundin ang buong katawan ni Jen at paa lamang ang nakukumutan kay Jos  gamit ang isang kumot na kanilang pinaghatian.

Isang malakas na tawanan ang maririnig. Na puputulin ng malakas na boses ni Jen.


JEN
Uy mga bekla!Pag hindi na ako nakahanap ng jowa tapos gusto ko na magkaanak kunin ko na mga sperm nyo ha!

JOS
Oo naman!

JUL
Gooohh!!

JOS 
Basta ipakikilala mo sa amin ang bata ha!

JEN
Oo naman!Anak meet your pudra!

Maririnig ang malakas na tawanan

JOS
Kaya nga diba super jogging na kami at nagbabalak ng mag gym ng maiba naman!

JEN
Sama ako pag nag gym kaya ha! 

JOS
Naman!Para tiba tiba sayo ang mga straight sa gym!hahahaha

JEN 
(nakabaling ang ulo kay Jul)
Oy!Bekla!

JOS
Hala!Tulog na yata!Alam mo naman yan!

JEN
Oo nga!Masandal tulog!

Malakas na tawanan



SMS: Iwan

(ikalawang bahagi)

(ang unang bahagi)

Matagal bago ang sumunod mong reply
Inabot ng mga labinlimang minuto
Maya't maya ang silip sa cellphone na nasa bulsa
At sa muling pagsilip, may mensahe mula sayo
At dahil nasa tabi ako ng tsuper
Walang takot ko nang inilabas ang cellphone
At binasa

"u know wat, kung meron man aqng isang pagkakamali, un ung iwan kita..haist..ewan q b.."

Huminga ako ng malalim
Itinago muli ang cellphone sa bulsa
Gusto ko sanang sabihin sa tsuper ng dyip na "Manong ihinto mo sandali!(hihinga lang) Sige po andar na ulit tayo!"
Pero hindi tuloy tuloy ang byahe
Isang oras ang byahe, buti na lang hindi ako naiinip pag mahaba ang byahe

Isang oras na sakay ng dalawang dyip at tatlumpung minutong paglalakad
Nakauwi na sa wakas
Inayos ang sarili,maging ang mga dalang payong,id at cellphone
Dumungaw sa bintana tangan ang cellphone
Itatapon ang cellphone?hindi!lumang model na nga itatapon pa

Hindi ko alam kung ano ang tamang tugon sa mensahe na nabasa ko mula sa iyo
Nilamon na nang ganda ko ang utak ko,echoz!
Ang tangi lamang naitipa ng mga daliri ko sa keypad ay

"everything happens for a reason"

Message sent

Walang amor
Walang kilig
Di na tulad ng dati

Tinangka ko pa noong ipaglaban
Ngunit sanabi mo magkakasakitan lang
Kunsabagay masakit nga naman ang may kahati

Nasa huli nga ba ang pagsisi?
Ako,wala akong pinagsisisihan
Hindi ko kailanman pagsisisihan ang magmahal

SMS: Iwan


Pauwi na ako galing trabaho
Gabi na
Hindi pala
Pasado alas dose na ng madaling araw
Sabado na
Umaga na
Ayos lang wala namang pasok pagdating ng liwanag

Sa intayan ng pangalawang dyip na aking sasakyan nag-aabang
Dahil sa inip
Hinawakan ang bulsa at sinilip ang cellphone
May mensahe
Binasa ang mensahe ng mabilis

"wer u at?"

May natitira pa namang load
Walang masamang mag-reply
Bilang ikaw naman ang bumuhay sa sms feature ng cellphone ko nitong nagdaang buwan.
Kung gaano ko kabilis binasa
Ganoon din mabilis na nag-reply.

"intay ng dyip,pauwi na"

Wala nang amor
Wala nang kilig
Hindi na tulad ng dati

Dumating ang dyip
Masuwerte at walang tao sa tabi ng tsuper
Sa ganoong alanganing oras kung maari sa tabi ako ng tsuper
Takot na muling maholdap
Ngunit inaasahang magahasa
Sinisilip ang cellphone mula sa bulsa
Iniintay kung may magrereply
Oo na,iniintay kung may reply ka

itutuloy...

Life on Screenplay: Inspirasyon


 INT. OFFICE WORKING AREA - NIGHT

Tahimik walang gaanong tao karamihan ay break time.

Si JOSH ay nakaupo nakatitig sa monitor ng computer at may itina-type.Humihinto ito sa kanyang ginagawa paminsan minsan. Sumasandal sa kinauupuan at biglang titingin sa malayo sabay hihinga ng malalim at muling itutuloy ang pagta-type.

Mula sa likod isang babaeng CO-WORKER na may katangkaran ang titingin sa ginagawa ni Josh. Bahagyang yuyuko upang lalong makita ang monitor ng computer.

CO-WORKER
(namamangha)
Wow!Nakakapag blog ka na ulit! 
Binubuhay mo na ulit ang writing skills mong agnas na!
Ikaw na ang may panahon!

Biglang aalis si co-worker sa likod ni Josh at pupunta sa kanyang cubicle.
Lumingon si Josh sa co-worker.

JOSH
(mahinahon)
Wala naman yan sa kung may panahon ka o wala...

Tumingin muli si Josh sa monitor ng computer.

JOSH
Nasa inspirasyon.

CO-WORKER
Nakanang!!Ayun yun eh!