Showing posts with label butil ng diwa. Show all posts
Showing posts with label butil ng diwa. Show all posts

Walang Hangganan


nagsimula ng kumapit sayo ang aking tingin
hindi na ako bumitiw haplos ka ng mariin
pinigil ang hininga
puso'y nagwawala na


abot-kamay man kita
tanaw ko'y malayo ka
hanggang tingin na lang ba itong aking pagsinta
tatangayin na lang ba hangin at ililibing ng buhay


isang araw na tila ito na ay ang huli
dinaan ko sa titik ang hindi ko masambit
gamit ang aking plumang putol putol pa ang tinta
sandigan ay ang papel na lukut lukot pa


dito'y dumaloy ang damdaming pinakaiingatan
hindi na kaya pang ilihim
puso'y di na papipigil
wala ng ibang inisip kundi ikaw na tinatangi


bukas palad tatangapin wala naman akong hiling
sapat na ang iyong prisensya'y lakas na para sa akin
ginugupo man ng sakit ang nanganganib kong buhay
pagsuko ay binago ng wagas na pagmamahal


bilang ko na sa daliri ang tibok ng aking puso
ngunit bawat pintig nito ay inihahandog sayo
pipilitin kong habulin ang aking hininga
hanggang sa ipikit ko na ang aking mga mata  
dadalhin kita sa puso ko kasama sa paglalakbay
sa muli nating pagkikita doon sa walang hanggan


(Nag-ayos ng gamit ang kapatid ko at iniabot niya sa akin ang isang photocopy ng ginawa kong rap/tula na ginamit nila sa isang pakontest noong high school sila para  sa buwan ng wika. Kaya naisipan kong ibahagi sa aking blog.  Makabagong harana ang tema na ginawa kong tragic, maiba lang. Nalimutan ko na at maging ng aking kapatid kung nanalo ba sila sa pakontest na iyon. Pero iyong sinali sa section nila para sa Lakan keme na ako ang nag train eh pasok kahit runner-up hehehe :) ako na ang kontesero din dati. hehehe ) 

..simula..

Nabalot ako ng katahimikan
Sa isang sulok ng silid winawaksi ang nakalipas
Naisin ko mang buksan muli ang munting lampara
Wala akong makitang liwanag
Nagkalat ang mga piraso ng papel sa kawalan kasabay ng aking isipan
Tuwid na nakahindig at nakatusok ang pluma sa sisidlan nito
Subalit ang diwa ko ay baluktot
Natutuyo ang tintang nais dumaloy
Manhid naman ang aking emosyon
Tanging ang kabog ng dibdib ang huni sa katahimikan

Sa isang sulok ng silid may sumilay na liwanag
Kumalat ang liwanag sa tulong ng munting lampara
Nasilaw ang aking paningin,luha ay pumatak
Sa alapaap dinuyan ng papel ang aking isipan
Yumapos ang tinta sa plumang panulat
Akin na ito ngayong tangan
At muling sisimulan ang bagong kabanata




July 1,2010
Sa aking silid